Mga babaeng single edad 30 pataas, papayagan magkaroon ng 8 araw na "love leave"

Mga babaeng single edad 30 pataas, papayagan magkaroon ng 8 araw na "love leave"

- Isang kompnanya sa China ang nagbibigay ng walong araw na 'dating leave' para sa kanilang mga empleyadong single na babae edad 30 pataas

- Ito ang pangalawang beses na nagpanukala ang isang kompanya ng leave para mabigyan ng pagkakataong makipag-date ang mga single nilang empleyado

- Nakikita nilang mas makakapagtrabaho ng maayos ang kanilang mga empleyado kung masaya ang mga love life ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang kompanya na sa China ang nagbibigay ng walong araw na 'love leave' sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa Inquirer, ang Hangzhou Songcheng Performance and Hangzhou Songcheng Tourism Management ang nakaisip magbigay ng 'dating leave' sa kanilang mga empleyadong babae na single pa at may edad na 30 pataas na.

Ito ay alinsunod sa ginawa ng Dinglan Experimental Middle School kung saan ang mga guro nilang single at wala pang anak ay pinahintulutan nilang magkaroon ng 'love leave.'

Binigyang linaw din sa South China Morning Post na ang mga empleyado na wala sa “non-frontline” ang mgaaring makagamit ng leave na ito.

Napapansin kasi nila na ang mga empleyado nilang babae na may edad na nabanggit ay ang mga walang oras para makihalubilo sa ibang tao partikular na sa mga lalaki.

Nauubos ang oras nila sa isang araw sa trabaho at wala nang natitira pang oras para sa kanilang love life.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa kay Huang Lei, human resources manager of Hangzhou Songcheng Performance, naniniwala siyang mas gaganahan at mas magiging produktibo ang kanilang mga empleyado kung masaya ang mga ito sa kani-kanilang love life.

Ngunit habang may pahintulot na ang 'love leave' at 'dating leave' na ito sa China, dumarami pa rin daw umano ang mga tinatawag na leftover women. Ito ay ang mga babaeng nasa late twenties pataas na desperado at napi-pressure nang magkaasawa.

Maging ang mga magulang kasi ng mga tinatawag na 'leftover women' na ito ay nakikihanap na rin ng lalaking basta na lamang pakakasal sa kanilang anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel