Misis na ground crew, inireklamo ng Mister na driver, ipinagpalit daw siya sa piloto

Misis na ground crew, inireklamo ng Mister na driver, ipinagpalit daw siya sa piloto

-Naging mainit ang sagutan at bintangan ng mag-asawang Felimon at April May nang magharap sila sa Raffy Tulfo in Action

-Bintang ni Mister na driver, may kalaguyo na umano kasing piloto ang kanyang misis

-Giit naman ni Misis, gusto na niyang makipag-hiwalay sa mister niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action si Felimon Maestre Jr. upang ireklamo ang kanyang misis na isang ground crew sa Philippine Airlines na diumano'y may kalaguyo na!

Giit ni Mister na driver, niloloko siya ni Misis noon pa mang nakaraang taon at may karelasyon itong piloto.

Inirereklamo din nito ang paglalayo nito sa kanyang anak na nasa pag-aaruga ng mga kaanak ni April.

Hindi rin umano niya naramdaman ang pag-aalaga nito bilang isang asawa.

Mariin namang itinanggi ni April May ang mga akusasyon ni Felimon. Hindi daw nito karelasyon ang lalaking tinutukoy ng mister na nakilala sa pangalang Ondoy Chan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagamat inamin nito na minsan silang nagkita ni Ondoy sa Leyte ngunit kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan.

Balik ni April, hindi nagsusustento ng maayos. Puro din umano ito utang, na itinanggi ni mister.

Nagawa pa umano siyang saktan nito at pinagtulungan pa siya nito at ng nanay nito.

Naging mas mainit na ang kanilang mga salita laban sa isa't-isa sa huling bahagi ng paghaharap sa programa.

Sinikap pa silang ayusin ni idol Raffy ngunit tila sumuko na ang mga ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel