'Wag awatin! Marian Rivera, may ibinunyag tungkol sa kanyang parenting style kay Zia

'Wag awatin! Marian Rivera, may ibinunyag tungkol sa kanyang parenting style kay Zia

- Normal sa mga bata ang magiging malikot minsan at kalimitan makikita o maririnig natin ang ibang mga magulang na inaawat ang kanilang mga anak kung magiging malikot ito

- Ito naman ang ayaw ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na gawin sa kanyang panganay o mga anak

- Hindi 'nang-aawat' na klase na magulang daw si Marian bagkos ay sinasabayan niya si Zia sa kalikutan nito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na nasagap ng KAMI ang panganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia ay nasa estado na umano ng pagiging curious.

Ani pa ng cosmo.ph, ito raw ay isang panahon kung saan ang isang bata ay tila nagiging sobra sa pagkalikot o bantayan.

Ngunit, imbis na awatin ang pagkakulit ni Zia ay mas pinipili ni Marian na sabayan ang anak.

Saad pa ng Kapuso actress sa launching daw ng kanyang latest endorsement, na napanayam ng PEP:

"Sinasabayan ko siya, 'Energetic ka? Energetic din ako!' Ganun!"

Dugtong pa raw niya:

"Kasi may mga times kasi na ang likot ng anak mo. Natatawa ako kasi minsan, may field trip kami sa school 'tapos nakikita ko yung ibang nanay na, 'Oh my gosh!' Sabi ko, 'Ah, ayoko maging ganyan.' 'Pag malikot anak ko, 'Ah malikot ka... where do you want to go?'"

Pagpapatuloy pa na paliwanag ni Marian:

"So mas maganda na nasasabayan mo siya as long as wala naman siyang ginagawang masama, why not?"

Dahil ayon pa sa soon-to-be-mother-of-two:

"The more na pinapagalitan mo, the more na inaawat mo, e, wala namang ginagawang masama? E, 'di go!"

Nagbigay pa siya ng isang halimbawa at detalyeng pagpapaliwanag kung bakit ganito ang kanyang parenting style.

"Example niyan, minsan sa garden namin, minsan ang daming—depende kung umulan—may lamok or whatever. Parang, 'Anak, hindi ka puwede lumabas!' So, ako ang point ko, kawawa naman yung anak ko, gusto niya mag-explore outside, e, 'di samahan mo siya 'di ba?

Basta ang importante lang daw ay walang ginagawang masama ang anak niya at nag-eenjoy ito.

Kaya dapat daw samahan ang anak.

" As long as walang ginagawang [masama], nage-enjoy yung anak mo, samahan mo yung anak mo."

Si Marian Rivera ay expecting mom sa kanilang 2nd child ni Dingdong Dantes.

POPULAR: Read more news about Marian Rivera here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel