Officially Mrs! 6 Most viewed beautiful weddings ng mga original ASAP It Girls

Officially Mrs! 6 Most viewed beautiful weddings ng mga original ASAP It Girls

Sa paglipas ng panahon, marami na rin tayong mga celebrity weddings sa Philippine entertainment na na-witness at talagang tumatak sa ating isipin at lalong lalo sa ating mga puso.

Isa sa pinakatinangkilik na mga artista sa showbiz noon ay ang IT Girls ng ASAP, na kinabibilangan nina Anne Curtis, Kristine Hermosa, Heart Evangelista, Nikki Gil, Iya Villania, at Toni Gonzaga.

At sa nakalipas na panahon at taon, silang lahat ay kasal na at masaya sa buhay pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayon, magbabalik tanaw ang KAMI sa kanilang most unforgettable wedding ceremonies na talaga namang tinangkilik, pinag-usapan, at pinanood ng tao.

Ito ang mga official wedding video YouTube channel ng anim sa mga orihinal na ASAP It Girls.

1. Toni Gonzaga

Isa sa pinakaminahal, inspiring, at pinag-usapang kasalan sa showbiz ay ang isa sa pinakanirerespeto na artista na babae sa showbiz, ang Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga.

Sino ba ang hindi na-inlove sa pagmamahalan nina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga, na ika pa nga ng marami ay nakatadhana at sinulat ng panginoon?

Ginawa pa ang kanilang kasal, sa ika-8th year anniversary nila.

Ngayon, may isang anak na si Toni kay Paul at ito ay isa sa pinakakilalang celebrity baby sa showbiz na si Seve.

2. Nikki Gil

Isa pang tinangkilik at pinag-usapan ay ang kasal ng isa pang IT Girl ng ASAP na si Nikki Gil, na isa rin sa itinuturing good role model ng mga kabataan at kababaihan.

Mother of one adorable little man naman si Nikki ngayon.

3. Anne Curtis

Gaya ng mga orihinal na IT Girls ng ASAP na sina Toni Gonzaga at Nikki Gil, ikinasal na rin ang kanilang dating kasamahan na ngayon ay It’s Showtime host na si Anne Curtis.

At isa sa pinag-usapang wedding rin sa showbiz.

Kamakailan lang ay ipinagdiwang nina Anne at Erwan ang kanilang first wedding anniversary.

4. Heart Evangelista

Ang dating Kapamilya star na si Heart Evangelista ay isa rin sa mga orihinal na miyembro ng IT Girls ng ASAP bago pa man ito lumipat at maging Kapuso star.

At gaya rin ng kanyang ka-grupo dati, ikinasal na rin siya kay Senator Chiz Escudero.

5. Iya Villania

Ikinasal rin ang isa pang original ASAP It Girl na si Iya Villania sa longtime boyfie nito na si Drew Arellano, at ngayon, meron na silang dalawang napaka-cute na mga popoging boys na mga anak na sina Primo at Leon.

6. Kristine Hermosa

At ang isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz na original IT Girl rin ng ASAP na si Kristine Hermosa ay happily married na rin sa anak ni Eat Bulaga Bossing Vic Sotto na si Oyo Boy Sotto.

Blessed naman sina Kristine at Oyo ng 4 beautiful children.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel