4-anyos na bata, na-stroke dahil lang sa bulutong

4-anyos na bata, na-stroke dahil lang sa bulutong

-Laking-takot ng mga magulang ng 4-anyos na batang babae nang ang simpleng bulutong nito ay mauwi sa stroke

-Nang madala ito sa ospital ay napag-alamang nagkaroon ito ng stroke

-Ayon sa mga doktor maliit lamang ang tsansa na magkaroon ng stroke ang isang bata habang may bulutong ngunit ito ay nakakabahala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inaasahang ng mga magulang ng 4-anyos na si Sophie Fuller na ang simpleng bulutong ay mauuwi pala sa stroke.

Ito ay tinatawag na ischemic stroke.

Ayon sa report ng The Asianparent Philippines, nagkaroon ng bulutong si Sophie at inakala ng mga magulang nito na ito ay simpleng bulutong lamang.

Inalagaan nila ito tulad ng regular na pag-aalaga sa nagkakaroon nito.

Ngunit isang araw ay nahulog ito sa kama at bigla na lamang nangisay.

Agad nila itong dinala sa ospital ay doon ay napag-alamang na-stoke ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kabutihang-palad ay nasagip si Sophie, ganunpaman nagkaroon ito ng brain damage.

Malaki ang naging pinsala sa utak nito dahil sa ischemic stroke ayon sa MRI. Naging manipis ang blood vessels sa kaniyang utak.

Posible pa umanong magkaroon ng ikalawang stroke ang bata kung ito ay napabayaan.

Kinailangan ding turuang maglakad si Sophie at hindi rin maigalaw ng maayos ang kanang kamay at braso.

Sumailalim sa therapy ang bata at umiinom na rin ng pangpanipis ng dugo upang maiwasan ang stroke.

4-anyos na bata, na-stroke dahil lang sa bulutong

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel