Magkasintahang ikakasal na sana pinaghiwalay ng biglaang kamatayan

Magkasintahang ikakasal na sana pinaghiwalay ng biglaang kamatayan

-Limang taon na ang relasyon nila Norman at Sarah at nagpa-plano ng magpakasal

-Ngunit ang biglaang pagkamatay ni Norman ang siyang tumapos sa sisimulan na sanang habangbuhay na pagsasama

-Parehong aktibo sa simbahan at maraming tao ang nagmamahal sa kanilang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inaasahan ng lahat at bumigla sa pamilya at mga kaibigan ang biglang pagkamatay ni Norman Mercado, isang lalaking malapit sa simbahan at aktibo sa sports.

Limang taon na ang relasyon nito sa nobyang si Sarah Gonzales at nagpa-plano na sanang magpakasal ang dalawa.

Ngunit ang biglaang pagpanaw nito ang tumapos sa sisimulan pa lamang sana nilang habangbuhay na pagsasama.

Ayon sa kwento ng tiyahin ni Sarah, posibleng inatake sa puso ang binata.

Natagpuan umano itong wala nang buhay sa kwarto nito at nakahawak pa sa dibdib ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakarinig pa umano ang ina nito ng kalabog bago madiskubre ang katawan ni Norman.

Dahil dito labis ang hinagpis ni Sarah. Pangungulila ang kasama niya ngayong wala na ang kanyang minamahal.

Ngunit ang tangi niyang karamay sa ngayon ay ang paa-alalay ng kani-kanilang pamilya atv kaibigan maging ang mga alala ni Norman na hindi mabubura ng biglaan nitong kamatayan.

Nakikiramay ang KAMI kay Sarah at sa pamilyang naiwan ni Norman.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel