Sarili niyang anak, pinatutubos umano sa kanya ng kanyang biyenan!

Sarili niyang anak, pinatutubos umano sa kanya ng kanyang biyenan!

-Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang ginang na si Mary Joy para mabawi ang kanyang 4-anyos na anak mula sa biyenan

-Kwento ni Mary Joy, matagal nang ipinagdamot sa kanya ng pamilya ng dating kinakasama ang kanyang anak

-Nagawa pa umanong pabayaran sa kanya ang mga nagastos ng mga ito bago niya makuha ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa programang Aksyon dumulog para humingi ng tulong ang ginang na si Mary Joy Dacuno upang mabawi ang kanyang anak.

Reklamo ni Mary Joy, tinakasan niya ang dati niyang kinakasama na si Jeric Ferrer dahil sa pananakit nito na umabot pa sa halos tagain na umano siya nito.

Kaya labag man sa kanyang loob ay naiwan niya ang noon ay mahigit isang taon pa lamang na anak dala na rin ng takot kay Jeric.

Ngunit ilang beses na umano niyang sinubukan na kunin ang anak pero hindi umano ito ibinibigay sa kanya ng biyenan na si Renya Ferrer.

Sinabi pa umano nito na kailangang bayaran ni Mary Joy ang mga nagastos nila bago makuha ang bata sa kanila.

Tinatakot din umano siya nito at ng mismong si Jeric.

Sa tulong ng programa ay nagkausap ang mga ito, ngunit ilang beses nang tinanong ng host na si Raffy Tulfo kung kailan ibabalik ni Renya ang bata pero 'di ito makasagot.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman kasama ang team ng programa sinamahan nila si Mary Joy sa Cavite kung saan sila nagharap na mag-biyenan.

Sa barangay, itinanggi ni Renya ang mga akusasyon ni Mary Joy, hindi umano nito ipinatutubos kay Mary Joy ang apo kundi nagpapatulong lang na mabayaran ang mga nautang noong na-ospital ang bata.

Masama ang loob ni Renya dahil napahiya daw ito sa ginawa ni Mary Joy.

Sa huli, nabawi rin ni Mary Joy ang anak at naisama na sa kanyang pag-uwi.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel