- Binahagi ng isang Pinay OFW paano siya nagawang lokohin ng kanyang mister
- Noon, buo ang tiwala niya sa asawa na unti-unti na nitong pinambibili ng materyales ang pinadadalang pera rito ngunit nauwi ito sa bisyo at sugal
- Nang makawala sa pudar ng mister, nakabangon muli si Keana Ocija at unti unti nang natupad ang kanyang pangarap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tunay na nakakabilib ang kwento ng Pinay OFW na si Kenan Ocija.
Inamin niya kung paano niya tiniis ang mister na halos di makapagtrabaho dahil sa sugal.
Naikwento ni Keana sa KAMI na madalas ang panalo lamang ng mister sa sugal ang pinangkakain nilang mag-anak at ang masaklap ay pag walang panalo.
Dahil dito nagdesisyon siyang mag-abroad dahil awang-awa na siya sa sarili at sa kanyang pamilya.

source: supplied
Source: UGC
Talagang nagsumikap si Keana at unti-unting nakaipon na siyang pinadadala niya sa mister.
Biniliin niyan bumilii na ng materyales para sa pagpapatayo nila ng bahay. Buo ang tiwala niya sa mister na sa laki na halos ng kanyang pinadadala ay unti unti nang nabubuo ang dream house nila.
Sa kasamaang palad, mas lalong nalulong sa sugal at bisyo ang asawa ni Keana. 6 na yero lamang ang nabili ng mister para sa materyales ng bahay.

source: supplied/ bahay ni Keana para sa anak
Source: UGC
Gumuho ang mundo noon ni Keana at naisipiang huwag na munang magpadala sa asawa. GAlit na nagbanta ang mister na kung hindi raw magpapadala ay mapapatay nito ang mga magulang ni Keana.
Naapektuhan ang trabaho ni Keana. Maswerte siyang mababait ang kanyang mga amo at nauunawaan ang kanyang kalagayan.

source: supplied/ produkto ng lahat ng pinagdaanang hirap ni Keana, ang sarili niyang bahay.
Source: UGC
Naisipan niyang makipag-ugnayan sa pulis sa kanilang lugar upang mabigyang babala tungkol sa pagbabanta ng mister.
Dito nahimasmasan si Keana na di nadapat siya nagpapaka-martyr sa asawa niyang pinerahan lang siya.

source: supplied/ lote na nabili ni Keana
Source: UGC
Mula nang makawala sa mister, maayos na nakapagpatayo na siya ng masasabi niyang tahanan. Halos lumuhod daw si Keana nang pumasok sa sarili niyang bahay na katas ng kanyang paghihirap.
Di lang iyon, nakapagpatayo pa siya ng isa pang bahay na nakapangalan naman sa kanyang anak.

source: supplied/ pangalaeang lote na nabili ni Keana
Source: UGC
Bukod pa rito, nakabili rin siya ng lote sa Palombok at isa pang lote sa parteng Cotabato.
Ayon kay Kena, tiwala sa Diyos ang kanyang puhunan sa lahat ng tinatamas niya ngayong tagumpay. Para sa kanya di niya sinukuan ang mga mahal sa buhay at ang mga pangarap niya sa mga ito sa tulong ng Panginoon na lagi raw gumagabay sa kanya.

source:supplied/ si Keana at ang kanyang masayang pamilya
Source: UGC
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity.
Source: Kami.com.ph