Pamilyang Pinoy, kumikita ng nasa ₱54 million dahil lang sa Youtube

Pamilyang Pinoy, kumikita ng nasa ₱54 million dahil lang sa Youtube

- Isang pamilya ngayon ang kumikita na ng P126, 000 kada araw dahil lamang sa Youtube

- Dahil dito, milyon-milyon na ang kanilang kinikita kada taon

- Napakasimple lamang umano ng kanilang ginagawa kung saan kinukunan lamang nila ng video ang pan—araw araw nilang ginagawa sa buhay ngunit limpak limpak na salapi na ang kanilang kinikita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marahil minsan niya nang napanood ang video ng pamilyang ito sa Youtube at nakagiliwan na ang pagsubaybay sa kanila. Di natin alam, dahil sa simpleng pagkuha ng video nila sa mga araw-araw nilang ginagawa ay kumikita na sila nang nasa 54 milyon kada taon, depende pa ito sa palitan ng dolyar.

Ayon sa Negosyo University, sa isang araw, tinatayang nasa P126,000 na raw ang kinikita ng pamilya na binubuo nina Mark, Rea, Hulyan, Maya at baby.

Ayon kay Mark, ang padre-de-pamilya sa kanila, napakasimple lamang ng kanilang ginagawa. Di na niya kailangan pang pumasok sa trabaho. katunayan nag-quit na silang mag-asawa upang pagtuunan ng pansin ang paggawa ng video.

Ang kanilang Youtube channel na "ilovemaything" ang nagsisilbing family bonding nilang mag-anak at ang kanilang play day ay nagiging 'pay day' sa laki na ng kanilang kinikita.

Minsan pa nga kahit ang pagbubukas lamang ng bagong laruan ng kanilang mga anak na kanilang kinukunan ng video ay pumapatok na sa kanilang mga tagasubaybay o subscribers.

At pag dumami ang views ng kanilang mga videos, dito sila kikita ng limpak limpak na salapi na di nila basta kikitain sa pagiging empleyado lamang.

Katunayan, ang isa sa sa kanilang video ay umabot na sa 33 million views. Ibig lamang sabihin nito, malaki rin ang kinita ng nito na ang katumbas pa ng bayaran sa kanila ay dolyar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang kagandahan pa sa ginagawa ng pamilyang ito, maliit o wala halos ang silang kapital dahil ang tanging pinuhunan na lang nila ay ang camera na ginagamit nila sa pagkuha ng video.

Inakala nga ng iba ng di totoo ang balitang ito tungkol sa kinikita ng pamilyang Pinoy na ito na nakabase na sa Amerika hanggang sa naglabas sila ng video na nagpapakita kung paano nga sila kumikita ng milyon.

Di lang yan, natuturuan din nilang magbahagi ang kanilang mga anak ng mga laruan nito na palagay nila ay sobra-sobra na.

Labis na hinahangaan ang pamilya sa "ilovemaything" dahil pinakita lamang na likas na madiskarte ang mga Pinoy. kahit wala man sa sariling bansa at kahit nasa tahanan lang, nagawa pa rin nilang makaisip ng maayos na ikabubuhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated Swimsuit model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel