Matandang bulag na kinakawaan sa pagtitinda, bistado ang di umano'y pagkukunwari

Matandang bulag na kinakawaan sa pagtitinda, bistado ang di umano'y pagkukunwari

-Bistado ang isang matandang lalaking bulag nang makunan ito ng larawang nagbabasa ng dyaryo

- Ayon kasi sa karatula niya, di siya makahanap ng trabaho kaya pagtitinda na lamang ng tissue ang pinasok niya dahil siya ay bulag

- Naglabas ng pruweba ang matanda na legally blind na siya at di dapat siya husgahan agad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawan ng isang matandang lalaki na nagtitinda ng tissue. Ayon sa karatulang nakalagay malapit sa kanyang paninda, bulag siya kaya di siya makahanap ng mas maayos na trabaho.

Ngunit, naibahagi ng Shin MIn daily news sa Twitter na nakunan umano ang matanda na nagbabasa ng dyaryo habang nasa puwesto niya sa pagtitinda.

Dahil dito, naakusahan ang matandang nakilalang si Liu Zhen Xian na isang scammer sa isa pa namang mataong lugar sa Singapore.

Marami pa naman daw ang masayang tumutulong sa 72 anyos na matanda dahil kahanga-hanga ang kasipagan nito.

Sa kabila raw kasi ng kanyang kondisyon, nakuha pa rin nitong suportahan ang kanyang sarili.

Ngunit nagbago ang paningin ng mga tao kau Liu nang maibahagi sa Twitter ang kanyang larawang nagbabasa. Tanong ng mga tao, paano ito nangyari gayung paliwanag niya sa kanyang karatula ay wala siyang paningin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang kapanayamin si Liu upang linawin ang katotohanan sa likod ng nag-viral na larawan, pinanindigan nitong siya ay bulag.

NIlinaw niya na 20 taong gulang pa lamang siya noon, nabulag nang tuluyan ang kanyang kanang mata dahil lamang sa holen. Mula noon, kaliwang mata na lamang niya ang kanyang ginagamit.

Ngunit ngayon, dala ng kanyang edad, unti-unti na ring lumalabo ang paningin ng kanyang kaliwang mata.

Nakagawian na niya ang magbasa ng pahayagan upang malaman ang mga nagaganap sa kanyang paligid.

Kaya naman magpasahanggang ngayon, kahit hirap na rin ang kanyang kaliwang mata, ay pilit pa rin siyang nagbabasa ng pahayagan.

Kasabay nito, pinakita niya ang kanyang ID na nagsasabing siya ay PWD sa pagkabulag ng kanyang kanang mata.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata para sa mga kasambahay

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel