Balik Pinas na! Marco Gallo, sinorpresa sina Edward at Maymay

Balik Pinas na! Marco Gallo, sinorpresa sina Edward at Maymay

- Mataas pansamantalang nagpaalam, muling nagbabalik ang dating PBB housemate na si Marco Gallo

- Sinorpresa niya ang dalawa sa kanyang pinakamalalapit na kaibigang sina Maymay Entrata at Edward Barber

- Magiging abala siya sa pag po-promote ng bago niyang pelikulang "Pamilya Blandina"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinorpresa ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Marco Gallo ang malalapit na kaibigang sina Maymay Entrata at Edward Barber. Binisita niya ang mga ito habang nasa PBB Otso live streaming.

Nabigla ang on-screen tandem na kilala din sa tawag na Mayward matapos makita ang kaibigang inaakala nilang nasa Italy. Dumiretso daw siya upang makita ang mga kaibigan matapos niyang makarating sa bansa.

"Alam mo sobrang special mo. Hindi talaga namin alam ba na pupunta ka dito," sabi pa n Maymay.

Ani Edward, inaasahan nilang uuwi ito ngunit hindi nila inasahang mapapaaga ang kanyang pag-uwi.

"We were expecting naman na he is gonna surprise us hindi lang namin alam na ngayon," sabi ni Edward.

Matatandaang nagpaalam si Marco sa showbiz noong July nang nakaraang taon upang tapusin ang kanyang pag-aaral sa Italy na nauna nang iniulat ng KAMI. Habang nasa Italy ay sinubukan din niyang pasukin ang mundo ng pag momodelo.

Isa sa pagkakaabalahan ni Marco sa ngayon ay ang pag promote ng kanyang pelikulang "Pamilya Blandina."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Marco Gallo ay nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya sina Maymay ENtrata, Edward Barber at Kisses Delavin. Naging kontrobersiyal ang love team nila ni Kisses dahil na rin sa mga nangyari sa loob ng bahay kagaya na lamang ng pag-amin niyang may gusto siya sa isa pang housemate na si Vivoree Esclito. Dahil dito ay nasaktan naman si Kisses dahil crush din niya diumano si Marco. Sa kasalukuyan, tila nagkakamabutihan na sina Ksses at ang kanyang on-screen partner na si Donny Pangilinan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it. Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel