Nanalo daw siya?! Broner iginigiit na tinalo niya si Manny Pacquiao

Nanalo daw siya?! Broner iginigiit na tinalo niya si Manny Pacquiao

- Tila hindi sang-ayon si Adrien Broner sa naging desisyon ng judges sa kakatapos lang na laban nila ni Manny Pacquiao

- Ayon sa kanya, natalo daw niya si Pacman at mas marami daw siyang nagawang puntos laban sa katunggali

- Lalo pa itong nairita nang sabihin ni ng sportscaster na si Jim Gray na 8 punches per round lamang ang average ng tumama niyang mga suntok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila hindi kumbinsido si Adrien Broner sa naging hatol sa laban nila ni Senator Manny Pacquiao na nanalo sa pamamagitan ng unanimous decision.

Nanalo ang pambansang kamao laban sa 29 taong gulang na boksingero sa scoring ng judges na 117-111, 116-112, 116-112. Nanatiling WBA welterweight champion si Pacman matapos niyang tagumpay na depensahan ang kanyang belt.

Maraming beses din umalingawmgaw sa arena ang pag boo ng mga tao kay Broner na tila hindi makapaniwala sa scores.

"I beat him," sabi niya sa isang panayam sa American sportscaster na si Jim Gray matapos ang laban.

"Everybody out there know I beat him. I controlled the fight. He was missing, I hit him clean more times. I beat him," dagdag pa ni Broner.

Tila naasar ito lalo nang sabihin ni Gray na 8 punches lang ang pumapasok sa kanyang mga punches.

"It already sounds like you're against me," sagot naman nito kay Gray.

"Y'all know I beat that boy," tila siguradong-sigurado si Broner. "They're trying to get that money again, with Pacquiao and Floyd."

Ang tinutukoy nito ay ang posibleng rematch nina Pacquiao at Mayweather Jr na nanood din ng kanilang laban.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinasabing liyamado si Adrien Broner sa laban niya kay Manny dahil sa lamang ito dahil sa kanyang kabataan. Gayunpaman, pinatunayan ni Manny na kayang-kaya niya itong talunin sa kanyang edad na 40 taon.

POPULAR: Read more about Manny Pacquiao here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it. Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Meet the lovely sister of Ruru Madrid, Athenah 'Rere' Madrid

Meet the lovely sister of Ruru Madrid, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel