Secret daw muna! Celebrity couples na inilihim ang kanilang relasyon sa publiko

Secret daw muna! Celebrity couples na inilihim ang kanilang relasyon sa publiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Trending talaga ang mga celebrity couples na ito dahil sa pagtago nila ng kanilang relasyon sa publiko noon.

Naispatan ng KAMI ang listahan ng mga sikat na Kapamilya at Kapuso celebrity couples na nagtago ng kanilang relasyon noon sa publiko.

1. John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

Unang naging usap usapan sina John Lloyd at Ellen noong 2017. Wala pa ring kinukumpirma ang dalawa tungkol sa kanila kahit matapos manganak ni Ellen.

2. Kean Cipriano at Chynna Ortaleza

Madalas sabihin ng dalawa noon na magkaibigan lamang sila. Pero kinumpirma ni Kean ang kanilang relasyon noong 2015 at nagpakasal naman sila noong 2016.

3. Carla Abellana at Tom Rodriguez

Matagal nang usap usapan noong 2014 kung may namamagitan na ba kina Carla at Tom. Kinumpirma lamang ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2017.

4. Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Madalas iwasan ng dalawa noon ang mga tanong tungkol sa kanilang relasyon bago nila kinumpirma ito. Ayon din kay Matteo, hindi raw niya madalas pinaguusapan ang kanilang relasyon sa publiko bilang respeto sa pamilya ni Sarah.

5. Barbie Forteza at Jak Roberto

Matagal nang nalilink si Barbie kay Jak, kinumpirma nila ang kanilang relasyon kamakailan lang nung 2018.

6. Kim Chiu at Xian Lim

Kinumpirma ni Kim ang kanilang relasyon sa isang interview kamakailan lang. Mula noon, makikita sa kanilang social media accounts ang pagiging sweet nila sa photos at videos.

7. Rocco Nacino at Melissa Gohing

Kamakailan lang ay inamin ni Rocco na sila na ng volleyball player na si Melissa sa isang interview.

8. Regine Velasquez at Ogie Alcasid

4 na taon nang magkarelasyon sina Ogie at Regine bago nila ibinahagi ang kanilang relasyon sa publiko noong 2007.

9. Megan Young at Mikael Daez

6 na taon nang magkarelasyon sina Megan at Mikael bago nila ito ibinahagi sa publiko noong 2017. Ayon sa dalawa, mas gusto nila na pribado ang kanilang relasyon dahil sa kanilang work commitments.

10. Alessandra de Rossi at Marc Abaya

Source: GMA Network

Source: GMA Network
Source: Facebook

Wala man kinumpirma ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon, si Empoy Marquez naman ang nagbahagi sa publiko tungkol sa relasyon ng dalawa noon.

11. Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Mahigit 5 taon nang magkarelasyon sina Kathryn at Daniel nang aminin nila ito sa publiko.

12. Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Naghiwalay na noon sina Jennylyn at Dennis nung 2011, ngunit taong 2018 lamang nang aminin ulit nila na sila ay nagkabalikan.

13. Liz Uy at Raymond Racaza

Source: GMA Network

Source: GMA Network
Source: Facebook

Inilihim noon ng fashion blogger na si Liz ang kanyang relasyon sa ama ng kanyang anak na si Xavi. Ngunit inamin kamakailan lang ni Liz sila ay nagsasama na ni Raymond noong 2018.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features a low-budget parody of Jaden Smith's music video for Plastic! This low-budget parody is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel