Mag-inang na-trap sa sunog, nakaligtas; kaanak na nagtago sa cr, patay

Mag-inang na-trap sa sunog, nakaligtas; kaanak na nagtago sa cr, patay

- Nakunan ng video ang paghingi ng saklolo ang mag-ina na di makalabas ng gusaling nasusunog

- Bagaman at nakaligtas at nakalabas ang mag-ina sa gusali, may kaanak pala silang naiwan dahil tumakbo ito sa CR malapit sa fire exit

- Paalala ng mga bumbero, di ligtas na lugaw ang palikuran sa oras ng sunog at ito pa nga ay isang 'fire trap'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kitang kita kung paano naghihisterya sa paghingi ng tulong ang isang babae na kasama pala ang kanyang anak dahil sa nasusunog na gusali.

Ayon sa News 5, sumiklab ang sunog sa ika-siyam na palapag ng Diamond tower sa Recto Maynila.

Makikitang humihumingi ng saklolo ang babae na nagawa pang tumawag gamit ang kanyang cellphone habang ang kanyang anak na lalaki naman ay sinusubukang itaboy ang usok na pumasok na sa kanilang unit.

Sunod sunod na ang dating ng fire truck at agad na na-rescue ng mga bumbero ang mag-ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nilinaw din nito sa babae kung meron pa bang tao sa kanilang unit at sinabi nitong wala.

Nang sila ay mabigyan na ng first aide, naisip ng babae na mayroon pa silang isang kaanak na naiwan sa gusali.

Sa kasamaang palad, na-trap na ito sa CR ng gusali sa pag-aakalang ligtas ito.

Dahil dito nagbigay paalala ang mga bumbero na huwag na huwag pupunata sa mga palikuran kung may sunog dahil tinatawag itong 'fire trap' at di ka agad maliligtas kung ganoon.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog. Ayon naman sa na-rescue na babae, nakarinig daw siya ng pagptutok na maaring pinagmulan ng sunog.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel