Video ng mga empleyadong pinagapang sa kalsada bilang parusa, nag-viral

Video ng mga empleyadong pinagapang sa kalsada bilang parusa, nag-viral

- Agaw eksena ngayon sa social media ang video ng mga empleyadong pinagapang ng employer bilang parusa sa di pag-abot ng year-end quota

- Labis na kahihiyan daw ang ginawa ng ito ng Chinese company sa mga empleyado na nakunan umano ng video

- Sinasabing dumating ang mga pulis na siyang umapula sa iskandalo na ito na ginawa ng kompanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos lunos ang sinapit ng mga Chinese na empleyado ng isang kompanya na nagtitinda ng beauty products.

Ayon sa Yahoo news, pinagapang ang mga empleyado sa kalsada dahil sa di umano nila naabot ang year-end quota dapat ng kanilang kompanya.

Nalaman ng KAMI na kalat na kalat na ang naturang video lalo na sa mga Chinese social media sites.

Sa video, makikitang piagtitinginan ng mga tao ang mga gumagapang na babae na talagang hiyang hiya sa kanilang ginagawa.

Mapapansin din isang lalaki na may hawak na pulang flag na nasa unahan ng mga gumagapang na empleyado.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nahinto lamang ang ginagawang ito ng mga empleyado nang rumesponde na ang mga pulis.

Nabalita ring pansamantalang nagsara ang kompanya.

Di raw ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng kakaibang parusa ng kahihiyan ang mga empleyado sa bansang Tsina.

Matatandaang nag-viral din ang video ng mga empleyadong isa-isang sinampal ng kapwa nila manggagawa dahil sa di raw umano ginagawa ng mga ito ang kani-kanilang trabaho.

Dahil sa ganitong mga kaganapan, umigting ang galit ng mga netizens dahil maling mali ang ginawa ng kompanya sa mga empleyado nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"They are slaves not employees"
"This is rediculous, just fire them. Corporate crimes against humanity, boycott made in china!!!"
"That's the reason why Facebook is not allow in China so that people won't see this kind of thing."
"Heartless employer"
"Yikes. Money over human dignity it seems"
"That's why they envy us for the freedom we enjoy in the Phil. Lets protect our democratic form of government in our country."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel