Labi ng mag-asawang nalunod sa Maldives dumating na sa bansa

Labi ng mag-asawang nalunod sa Maldives dumating na sa bansa

-Dumating na sa bansa ang mga labi ng mag-asawang nalunod sa Maldives

-Sinalubong sila ng ilang opisyal ng OWWA at ng kanilang mga kaanak

-Naging emosyonal ang mga sandali ng pagdating ng mga ito sa NAIA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging emosyonal ang pagdating ng mga labi ng mag-asawang nalunod sa Dhiffushi Island sa Maldives.

Nauna nang naibalita ng KAMI na ngayong Sabado ng hapon inaasahang dumating ang mga ito.

Ayon sa report, dumating ang mga labi nila Leomer at Erika Joyce Lagradilla bandang 3:21 ng hapon sakay ng Etihad Airways flight EY 424 sa NAIA.

Kasama ang ilang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administrations (OWWA), sinalubong ng mga magulang ng mga nasawi ang kanilang mga katawan.

Mula sa NAIA dadalihin ang mga labi sa Laguna, si Leomer sa Lumban, sa kanyang hometown habang si Erika naman ay sa Sta. Cruz, ang kanya ring hometown.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa nakuhang impormasyon ng KAMI, ihahatid sa huling hantungan ang dalawa sa January 26, 2019.

Parehong overseas Filipino worker (OFW) ang dalawa, si Leomer sa Jeddah habang si Erika naman ay sa Singapore.

Sa ika-sampung taon ng kanilang relasyon, nagpasya ang dalawa na ikasal noong December 18, 2018.

Lumipad ang mga ito papunta sa Maldives noong January 9, 2019 upang tuparin ang kanilang dream honeymoon.

Ngunit isang trahedya ang tumapos sa nagsisimula pa lamang nilang buhay may asawa.

Source: GMA News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel