Isa sa mga estudyante na sangkot sa "fire alarm scandal," naglabas ng saloobin sa FB

Isa sa mga estudyante na sangkot sa "fire alarm scandal," naglabas ng saloobin sa FB

- Naglabas ng pahayag ang isa sa mga estudyanteng sangkot sa viral video na "fire alarm scandal"

- Sa pamamagitan ng isang Facebook post, sinabi ni Kevlex Salando Alapar na labis nilang pinagsisihan ang nagawa

- Umabot na sa mahigit 2 milyong views ang naturang video na di naman pinalampas ng Palawan State University at sinabing may karampatang parusa ang nagawa ng mga estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng isang post, naglabas ng pahayag si Kevlex Salando Alapar, isa sa mga estudyanteng sangkot sa "fire alarm scandal."

Ayon kay Kevlex, labis nilang pinagsisishan ang kanilang ginawa na di naman daw talaga dapat gawing biro.

Nalaman ng KAMI na humingi rin ng paumanhin si Kevlex sa kanilang unibersidad, ang Palawan State University lalo sa kanilang departamento dahil sa perwisyong nagawa ng kanilang "iskandalo."

Kinumpirma rin niya na nasa proseso na ang pagharap nila ng kanilang paruso na pinahayag na rin mismo sa official statement ng kanilang paaralan.

Ayon sa ABS-CBN news, kasama ang mga magulang nga mga estudyante sa pag-uusap ng mga ito kaharap ang Office of the student Affairs ng kanilang paaralan. Ito ay upang maayos na mapagdiskusyunan ang nararapat na gawing disiplina sa mga ito na nauna nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod sa paghingi ng tawad, nakiusap din si Kevlex na kung maaari ay itigil na ang pagpapakalat ng video upang tuluyan nang mamatay ang iskandalong kanilang nagawa sa paaralan.

Pumalo na ang naturang video sa mahigit 2 million views at tila maging ang mga netizens na nakapanood nito ay nabahala din.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica