Ginang na ilang araw nang nawawala, natagpuang naaagnas na sa 1 condo unit

Ginang na ilang araw nang nawawala, natagpuang naaagnas na sa 1 condo unit

-Naaagnas at halos burado na umano ang mukha ng isang bangkay ng babae na natagpuan sa isang condominium unit

-Ilang araw na itong nawawala at nai-report na noon pang January 7 bandang 2:00pm pa huling nakita ang ginang

-Hinala ng asawa ng biktima, may kinalaman ang isang kliyente nito sa nangyari sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos burado na umano ang mukha at naaagnas na ang bangkay ng ginang na si "Sonya" isang real state agent nang matagpuan ito sa isang condominium unit sa Cordova Tower.

"Nu'ng nabuksan 'yung unit, sumingaw na ang malansang amoy. Nu'ng pumasok kami, pagsilip ko sa bedroom, nag-freeze ako dahil... nakita ko 'yung suot nu'ng babaeng nakahiga. 'Yun ang suot ng asawa ko na huling mawala siya," ayon kay "Antonio", asawa ng biktima.

"Bumigay na ako, humagulgol na ako... Mga anak ko tinawagan ko," dagdag nito.

Siya at ang gwardiya ang unang nakakita sa bangkay ng biktima. Mayroon din umanong throw pillow na nakatakip sa mukha ni Sonya.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawawala ang mga cellphones at wallet ng biktima.

January 7 bandang 2:00 ng hapon pa nai-report na huling nakita ang biktima sa isang condominium building sa Marikina.

January 9 nang kumalat sa social media ang post ng anak nito na si "Mark" kaugnay ng pagkawala ng ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Nawawala po ang mommy ko ng 2 days na ngayon. Lahat ng phone niya hindi ma-contact. Last Monday last siya nakita. Mga 2 p.m. If baka meron po nakakita sa kaniya o may alam kung nasaan siya puwede akong i-PM (private message) o i-text," ayon sa post nito.

Sa ngayon hindi pa masabi ang ng mga pulis ang posibleng dahilan ng pagkamatay ni Sonya dahil hinihintay pa ang autopsy report.

"As of today hinihintay pa natin ang autopsy ng SOCO natin, kasi di pa tayo makakapag-declare kung ano ang cause... Based on the result ng SOCO du'n pa lang tayo mag-uumpisa kung natural death or foul play ba," ayon kay Senior Inspector Jacqueline Ta-a ng Marikina police.

Ngunit hinala ng asawa ni Sonya, posibleng may kinalaman ang isa nitong kliyente sa nangyari sa biktima.

"Minsan may pinakita siya sa amin na check na big amount, bigay daw ng isang kliyente na tinulungan sa documents... Pero ang sabi ko sa kaniya sa tingin ko pa lang sa tseke na ito, accountant ako, fake ito," ayon sa pahayag ni Antonio sa panayam ng ABS-CBN News.

Nasa P2 milyon umano ang halagang nakasulat sa tseke.

Timanggi naman munang magbigay ng pahayag ang Cordova Tower kaugnay sa insidente dahil hinihintay pa ang autopsy report nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone