Mga labi ng mag-asawang nalunod sa Maldives inaasahang darating ngayong hapon

Mga labi ng mag-asawang nalunod sa Maldives inaasahang darating ngayong hapon

-Inaasahang darating na ngauong Sabado ng hapon ang mga labi ng mag-asawang nalunod sa Maldives

-Sasalubungin ito ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs

-Nasawi ang bagong kasal na sila Leomer at Erika Joyce Lagradilla habang sila ay nag-snorkeling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayong araw na inaasahan na makauwi ang mga labi ng mag-asawang Leomer at Erika Joyce Lagradilla sa bansa.

Ayon sa report na nakuha ng KAMI mula sa GMA News ang mga impormasyon ay nakuha mula sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Sakay ang mga ito ng Etihad flight at darating bandang 3:30 ng hapon.

Sasalubungin umano ang mga labi ng mag-asawa ng ilang opisyal ng Department oF Foreign Affairs (DFA).

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang mag-asawang Lagradilla ay nasawi sa pagkalunod habang sila ay nag-snorkeling sa Dhiffushi Island sa Maldives na una nang naibalita ng KAMI.

Ikinasal ang mga ito noong December 18, 2018 at lumipad papunta sa Maldives noong January 9 para sa kanilang dream honeymoon.

Parehong OFW ang dalawa at matagal na tiniis ang long distance relationship hanggang sa maganap ang kanilang kasal.

Matatandaang kinailangan ng P1.2 million para maiuwi ang mga labi nila sa bansa. Ngunit sinagot ng gobyerno ang pagbabalik-bansa ng mga labi ayon na rin kay Secretary Teddy Locsin Jr.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated Swimsuit model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel