Henry Sy: Philippines richest man started with ten centavos

Henry Sy: Philippines richest man started with ten centavos

-Pumanaw na ang tinaguriang "Philippines richest man" ngayong Sabado ng umaga sa edad na 94

-Ito ang malungkot na balita na bumungad sa buong Pilipinas at laman ng mga balita

-Ngunit ang chairman na siyang nagtatag ng kilalang SM ay nagsimula lamang pala sa sampung sentimo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang malungkot na balita ang bumungad sa buong Pilipinas ngayong araw. Pumanaw na ang tinaguriang "Philippine's richest man" na si Henry Sy ngayong Sabado ng umaga sa edad na 94.

"[He] passed away peacefully in his sleep early Saturday morning,” ayon sa isang statement na inilabas ngayong araw.

Ipinanganak si Sy sa Xiamen, China. Napunta sa Pilipinas ang pamilya nito sa pag-asa na magkaroon ng maayos na buhay.

Dito nagtayo ng isang maliit na sari-sari store ang ama ni Sy sa Echague Street sa Quiapo na nalimas nang sumabog ang ikalawang world war.

Walang natira anuman sa pamilya ng mga ito kaya naman nagpasyang bumalik ang kaniyang mga magulang sa China.

Ngunit nagpaiwan si Sy sa Maynila at tanging sampung sentimo lamang ang natitira sa kanya.

Matiyagang nag-aral ang naiwan na si Sy habang nagta-trabaho siya araw- at gabi.

Nang makapagtapos ng kolehiyo sa Far Eastern University nagsimula na siyang magbenta ng surplus G.I. boots.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ito ang naging simula ng kanyang negosyo at naitatag ang pinaka-unang SM sa Maynila noong 1958.

Henry Sy: PH's richest man started with ten centavos

Photo source: SM Investments
Source: Facebook

Ikinasal si Sy kay Felicidad Tan, isang lace vendor at dahil dito nakita niya ang posibilidad na mag-dagdag ng produkto katulad ng damit pambata.

Dahil dito ang Nakikilalang Shoemart ay naging SM Department Store.

Henry Sy: PH's richest man started with ten centavos

Photo source: SM Investments
Source: Facebook

Taong 1967 nang bilihin naman ni Sy ang Acme Savings Bank (Banco de Oro) at taong 2006 nang mag-merged ang Equitable PCI Bank at BDO.

Henry Sy: PH's richest man started with ten centavos

Photo source: SM Investments
Source: Facebook

Sa kasalukuyan hindi na lang sa Pilipinas namamayagpag ang SM kundi maging sa bansang China na mayroon ng anim na SM.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ni Henry "Tatang" Sy.

Source: Inquirer

Henry Sy: PH's richest man started with ten centavos

Photo source: Inquirer
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nagbigay reaksyon

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nagbigay reaksyon

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel