Inasal ng diumano'y mga dayuhang Chinese, umani ng batikos mula sa mga netizens
- Umani ng batikos mula sa mga netizens ang isang picture na ngayon ay kumakalat sa social media
- Makikita sa nasabing picture ang isang dayuhang Chinese na hinahayaang dumumi ang kanyang anak sa pampublikong lugar
- Ayon pa sa netizen na nagbahagi niyon, kuha iyon sa isang malaking mall sa seaside
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang umalma sa diumano ay "kadugyutan" ng isang dayuhang ina na namamasyal sa SM Mall of Asia kasama ang iba pang kasamahang turista. Ayon sa netizen na nagbahagi ng litrato, hinayaan ng Chinese na turista na dumumi ang kasama nitong bata.
Makikita din sa nasabing litrato na tila walang pakialam ang babae habang nakaupo na nakapuwesto na tila dumudumi ang bata. Kaya naman, ikinabahala ito ng ilang netizens.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon sa netizen na may pangalang BJ Carreon, ninais sana niyang lapitan upang pagsabihan ang dayuhan kaya lamang ay kasama niya ang kanyang lola.
“Yung kadugyutan ng ibang mga Chinese tourists (they were in a tour group I think and nagsisigawan sila ng mga kasama nya in their language) dito sa MOA Seaside…Haaay. May mga guards, pero dedma sila. Nakakainis, kung hindi ko lang akay -akay ang lola ko, ako na mismo lalapit para pagsabihan sila.
At sa ibang mga Pinoy na dugyot din, ano pakiramdam pag ibang lahi na ang nagkakalat sa sarili nating bakuran?”
Inalmahan ito ng maraming Pinoy na netizens at nagpahiwatig ng pagkadismaya at pagtutol. Gayunpman, may ibang nangangatwiran na tutal ay bata lang at marahil ay inabot na ito habang nasa labas sila.
Ang bansang China ay masasabing isa sa pinakamaunlad na bansa sa Asya ngunit kaakibat nito ay ang diumano'y kontrobersiyal na ugali nila kahit namamasyal sa ibang bansa.
Naging laman na rin ng mga balita sa iba't-ibang bansa ang ilang turistang Chineses dahil sa kanilang maling asal.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity.
Source: KAMI.com.gh