Magkadugo pala sila! Lea Salonga, may pinsan pala na sikat na Hollywood star

Magkadugo pala sila! Lea Salonga, may pinsan pala na sikat na Hollywood star

- Hindi maikakaila ang pagkakinlanlan ng international superstar/worldclass performer at pride ng Pilipinas sa kantahan at musika lalong lalo na sa broadway na si Lea Salonga

- Kaya naman kahit anong sikat mo pa siguro pag napag-alaman ng katrabaho mo na magpinsan kayo ay talagang mawiwindang sila

- At ito nga ang nangyari sa isang sikat na Hollywood actress na bumida sa isang sikat na TV series ang The Pretty Little Liars na si Shay Mitchell

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita ng nasagap ng KAMI, may kadugo pala ang world-renowned at multi-awarded talent na si Lea Salonga sa Hollywood.

At gaya rin niya, sikat rin ito lalong lalo na sa mga faney sa mga TV series ng Amerika.

Napag-alaman ng aming team mula sa cosmo.ph, na mag-pinsan pala, to be specific 'second cousin,' ayon na rin sa naturang sikat na Hollywood actress, sila ni Lea Salonga.

Sa pagbisita ng naturang actress sa bansa para ipromote ang bagong series nito, dito nakausap siya ng source fashion magazine outlet sa isang roundtable interview kasama ang mga press.

Dito ay tinanong nila si Shay kung ano ba raw ang favorite behind-the-scenes (BTS) moments nila habang nagshoshoot ng kanyang bagong TV series.

Pagbahagi pa ng magandang aktres:

"I think the fact that the other girls are obsessed with Broadway and musical theater and Penn and I, not so much."

Dugtong pa niya:

"My second cousin is Lea [Salonga], but I don't share the same talent and voice as she does. So, one of the funny moments was when they [her co-stars] all found out and were like, 'That's your cousin?!'"

Kaugnay rito, naibahagi rin umano ni Shay ang tungkol kay Lea Salonga noong 2014 interview ng GMA sa kanya.

Saad pa raw niya:

"She's always been very supportive."

At may espesyal pa na pagsisiwalat si Shay tungkol sa pinsa niyang si Lea.

"And whenever we go and watch one of her shows, she always does a special 'hello' for all of our family that's sitting in the front row."

Habang nasa Pinas si Shay, naging glam team niya ang glam team ng It's Showtime host na si Anne Curtis at dahil na rin sa kasikatan ni Catriona Gray ngayon bilang Miss Universe 2018, napa-shout-out ito sa dalawang magagandang Pinay.

Si Shay Mitchell ay bumisita sa Pilipinas kasama si Penn Badgley para ipromote ang kanilang bagong TV series ang 'You.'

Unang nakilala ng nakakarami at sumikat ng husto sa American TV series na Pretty Little Liars bilang si Emily Fields, na si Shay Mitchell.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel