Babae, inakusahan BF at babae nito, nagpasasa sa pera niya, tinangayan pa siya

Babae, inakusahan BF at babae nito, nagpasasa sa pera niya, tinangayan pa siya

-Humigit-kumulang P500k umano ang halaga ng nakulimbat ng lalaking inirereklamo ng kayang nobya sa Wanted sa Rayo

-Reklamo ni ate, nagpasasa ng husto si lalaki sa pera niya maging ang babae nito

-Tinangay rin umano nito ang mga alahas niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot na daw sa humigit-kumulang P500,000 ang nakulimbat ng kanyang nobyo sa kanya, ayon kay 'Precy', ang complainant ng Wanted sa Radyo ngayong araw.

Hiniling naman nito na itago ang kanyang identity sa programa.

Reklamo ni Precy, nagpakasasa umano ang kanyang nobyo at ang babae nito sa kanyang perang pinaghirapan.

Nais nitong mabawi ang mga bagay na naibigay niya sa nobyo na nangloko sa kanya.

Kwento nito, nauna daw humiling sa kanya ang inirereklamong nobyo na si Herman Moyo ng pangbili ng dump truck para umano makapagsimula ng negosyo.

Ngunit sa lumipas umanong limang taon ay hindi naman niya nakita ang binili nitong dumop truck bagamat naibigay na niya ang pangbili nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala rin umano itong naipakitang mga resibo na maaari sanang magpatunay na bumili nga ito.

Giit pa ni Precy, sa kabila ng pagmamahal niya at pagbibigay dito ay nagawa pa siyang lokohin nito. Nabuking daw kasi niya ito na may ibang babae ito at doon umano dinala ang pera niya.

Bagamat hindi direktang inamin ni Moyo ang mga reklamo ni Precy, mapagkumbabang humingi naman ito ng tawad sa babae.

At dahil sa mga tinangay umanong alahas, posibleng makasuhan ito ng qualified theft, kaya naman nagmakaawa itong huwag nang umabot ang kanilang 'di pagkakaintindihan doon.

Hiniling din nito na sana ay makausap ang nobya upang magkaliwanagan sila ng personal.

Nakatakda silang magharap sa programa sa Miyerkules dahil maghahanap pa daw ito ng pamasahe.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel