Mister na matulis inireklamo ni Misis, nanakit na siniraan pa siya na "bad breath"

Mister na matulis inireklamo ni Misis, nanakit na siniraan pa siya na "bad breath"

-Naging mainit ang tagpo sa harapan ng mag-asawang Virgie at Jay Masula sa programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo

-Inireklamo ni misis si mister ng pananakit at pangbababae! Bukod rito sinisiraan pa siya nito sa kabit nito at sinabing siya'y bad breath

-Giit ni mister, gusto land daw nitong humingi ng tulong pinansiyal kay Tulfo kaya siya sinisiraan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pangangabit at pananakit ang reklamo ng complainant sa Wanted sa Radyo ngayong January 18 na si Virgie Masula laban sa kanyang mister na si Jay Masula.

Ilang beses na umano siyang sinaktan nito at nagpakita pa ito ng medical certificate at larawan na gagamiting ebidensya laban sa mister.

Apat na beses na rin umanong nangbabae ang mister. Nagawa pa umano siyang siraan nito sa kabit nito ngayon at sinabing mabaho umano ang kanyang 'ano' at bunganga.

Bagamat inamin ni Jay na nagkaroon siya ng ibang nobya itinanggi naman nitong sinaktan niya at siniraan si misis!

Giit ni Jay, utang ang naging dahilan ng kanilang alitan. Umabot na daw kasi sa P80,000 ang utang ni Virgie na lingid umano sa kanyang kaalaman.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Depensa naman ni Virgie hindi sapat ang ibinibigay ng mister para sa kanya at sa dalawa nilang anakkung kaya nagawa niyang mangutang na lumaki dahil sa tubo.

Madalas na rin umano kasing hindi umuuwi si Jay dahil nangungupahan na ito kasama ang ibang babae.

Ngunit sa huling bahagi ng kanilang pag-uusap, ibinuking ni mister si misis na kaya ito dumirecho kay Tulfo ay sa pag-asang bayaran ng sikat na host ang kanyang utang, kahit pa nga iginiit niya na sa barangay sila mag-usap.

Sabi naman ni Virgie, sinabi lamang niya ito upang matauhan si Jay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel