Babaeng wala sa katinuan, napaanak na lang sa bangketa nang naka-shorts pa

Babaeng wala sa katinuan, napaanak na lang sa bangketa nang naka-shorts pa

- Napaanak na lamang sa kalsada ang isang buntis na wala sa katinuan sa Sta. Mesa Maynila

- Ayon sa mga nagmalasakit na residente, kusang lumabas ang sanggol na nakita na lamang nilang nasa shorts na ng ina

- Napag-alamang nakararanas ng depresyon ang babae dahilan upang magi itong palaboy at nawawala sa katinuan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagulantang ang isang kalye sa Sta. Mesa nang mapaanak na lamang ang isang buntis sa isang bangketa noong Enero 12.

Ayon sa GMA news, napansin ng residenteng si Lilia Layson na di makali ang babaeng palaboy na palipat lipat ng puwesto sa may tapat nila.

Di nagtagal, napahiga na lamang ito at doon napansin ng ilang residente na napaanak na pala ang naturang babae.

Wala umanong nagpaanak sa babae at nagulat na lamang sila nang makitang nasa shorts na ang anak nito.

Rumesponde ang ilang taga barangay ngunit di nila magawang putulin ang pusod ng sanggol kaya naghanap at naghintay sila ng nurse.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alamang nakararanas pala ng depresyon ang babae dahilan upang siya ay bahagyang nawawala sa katinuan at nagiging palaboy.

Dinala naman pansamantala ang sanggol sa bahay ampunan na balak din namang kunin ng mga kaanak ng ina.

Dinulog na rin ang babae sa mental hospital ngunit binigyan na lamang ito ng gamot at obserbahan na lamang daw muna ito.

Kasama na ng ina ng sanggol ang kayang mga kaanak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel