OFW, galante daw kay BF pero 4 na anak na naiwan sa Pinas gutom

OFW, galante daw kay BF pero 4 na anak na naiwan sa Pinas gutom

-Inireklamo ang isang OFW sa programang Raffy Tulfo ng kanyang ina at kapatid na hindi na daw nagpapadala sa mga anak nito

-Giit pa ng mga nagrereklamo, ang bagong nobyo na umano nito ang pinapadalan sa halip na sa mga anak

-Depensa naman ni OFW binu-bully daw kasi ng mga ito ang BF niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagmatigas ang overseas Filipino worker (OFW) na si Irene Lazo sa kanyang ina at kapatid nang magkausap-usap ang mga ito sa programang Raffy Tulfo in Action.

Ito ay matapos na ireklamo ito ng inang si Marlyn Lazo at nakababatang kapatid na si Marlinda Lazo.

Ayon sa mga complainant, hindi na nagpapadala sa kanila si Irene at sa halip at sa bagong nobyo nito na nakilala lamang sa pangalang 'Jay' nagpapadala ang OFW.

Giit pa ng mga ito, mula nang umalis ito, isang beses lamang nagpadala si Irene bagamat maraming utang na iniwan para sa kanyang pangingibang-bansa.

Nagsalita rin ang isa sa mga anak ni Irene na lahat ay mga menor de edad pa, kwento nito ginamit pa umano ni Irene ang pera na ibinigay sa kanila ng ama nila na pambili ng 'couple shirt' nilang mag-nobyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mariin naman itong itinanggi ni Irene at sinabing pera niya ang ipinangbili niya sa mga damit.

Sagot naman niya sa mga reklamo ng ina at kapatid, binu-bully daw kasi ng mga ito ang kanyang nobyo kaya naman hindi na siya nagpadala.

Bagay na hindi sinang-ayunan ni Raffy Tulfo lalo pa at may mga batang involve.

Nagmatigas din si Irene sa isyu ng pagpapadala niya. Hindi daw niya maipapangako na magpapadala buwan-buwan dahil "may sariling buhay" din daw siya sa Oman, kung saan siya OFW.

Isa ito sa hindi nagustuhan ni Tulfo kaya naman kinausap niya ang agency ni Irene para ito na ang magsiguro na buwang-buwang makakatanggap ng sustento ang mga anak nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel