Enchong Dee, 3 years na daw na single at nag-eenjoy naman daw siya sa ganito

Enchong Dee, 3 years na daw na single at nag-eenjoy naman daw siya sa ganito

- Sa grand mediacon ng bagong pelikula na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Enchong Dee ay inamin raw ng Kapamilya actor na 3 years na daw siyang single

- Pero okay lang naman daw ito sa kanya dahil wala siyang kailangan pinag-re-reportan

- At ani pa umano ng Elise aktor na nag-eenjoy naman daw siya ng ganito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa balita na nasagap ng KAMI, halos 3 years na daw na umiwas sa love life si Enchong Dee.

Huling naging girlfriend umano ng Kapamilya aktor ang Filipino-British model na si Samantha Lewis, na ngayon ay may anak na raw sa photographer na si Andreo Lukas.

Pero ang Elise aktor ay nanatili pa rin daw na single simula noong naghiwalay sila ni Samantha noong 2016.

Pahayag naman umano ni Enchong Dee nang makausap siya ng PEP, nang inalam ng huli kung bakit raw hangganng ngayon ay hindi pa rin daw siya nanligaw ng babae:

“I rested. I rested for about three years. You need also the time para to rest, and give yourself more value and importance. Siyempre bakasyon, di ba, puwede kong gawin na sarili kong bakasyon lang."

Dugtong pa raw ng aktor:

“Wala kang dapat paalamanan o kailangan mong mag-update lagi. Sarili mo lang talaga.So far, nag-e-enjoy naman ako na ganito.”

Dagdag na pahayag ni Enchong:

“Ewan ko, pero parang ang pakiramdam ko, mas maganda ang buhay ko kapag wala."
"Pakiramdam ko, mas marami akong naa-achieve dahil wala akong dapat pag-report-an.”

Gayunpaman, ayaw naman daw niyang maging single forever at isa lang daw ito na pinagdadaanan ng buhay na bawat isa kaya huwag daw mag-alala ang mga tao para sa kanya.

Si Enchong Dee ay dati raw athlete at parte ng Philippine national swimming team.

Umani umano ito ng kasikatan sa 2009 Kapamilya TV series na Katorse.

POPULAR: Read more news about Enchong Dee here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated Swimsuit model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel