Batang di nakakakita at di nakakarinig, nakatali dahil sa pananakit umano sa sarili

Batang di nakakakita at di nakakarinig, nakatali dahil sa pananakit umano sa sarili

- Kakaiba ang kalagayan ni Irish Ubaldo, na bukod sa pagiging bulag, di rin ito nakaririnig at nakapagsasalita

- Matinding pagpapawis ang kanyang mga kamay at paa na siyang tinitiis niya at nakatali rin ang kanyan mga kamay at paa

- Pinatingnan na sa doktor ang kalagayan ng bata dahil sa nagagawa na nitong saktan ang kanyang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakdurog ng puso ang kalagayan ng isang bata sa Malolos, bulacan kung saan di ito nakakakita, di ito nakaririnig at di rin nakapagsasalita.

Ayon sa programa ng GMA na Tunay na Buhay, premature baby nang isinilang si Irish noong 2009.

Sa bahay llamang ito iniluwal ng kanyang ina sa tulong ng kumadrona. Ito rin ang nakapansin na tila maraming plema at hirap huminga ang sanggol kaya sinabihan niya ang ina ng bata na madala sana ito sa ospital.

Doon, nilagyan daw ng tubo si Irish upang maibsan ang paghihirap.

Dalawang buwan ang lumipas nang mapansin ng pamilya nito na tila hindi maayos ang itsura ng mga mata ng bata. Madalas lamang daw itong tulog kaya naman kinunsulta na nila sa doktor ang napansing kakaiba sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakumpirma nilang di pala nakakakita si Irish. Bukod dito, napansin din nila na di nakakarinig ang bata dahil sa kahit anong tawag dito ay di ito lumilingon o rumeresponde. Di rin ito nakakapagsalita.

Dahil sa sitwasyon na ito ng ngayo'y 10 taong gulang na na bata, di tuloy malaman ng ina niyang si Jocelyn kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman nito.

Mapapansing nakatali ang mga kamay at paa ng bata. Paliwanag ng kanyang ina, ginawa raw nila ito upang di saktan ni Irish ang kanyang sarili.

Nagagawa rin daw kasi nitong kagatin ang kanyang mga braso na makikita sa mga bakas dito.

Di naman daw ginusto ng ina na itali ang anak ngunit kailanganlamang daw niya itong gawin upang di saktan ni Irish ang kanyang sarili.

Nang pinatingnan ito sa espesyalista, pinaliwanag doon na maaring nangyari ito kay Irish dahil sa komplikasyon na nangyari sa ina noong pinagbubuntis pa lamang ito.

May katarata sa mata ni Irish kaya di siya nakakakita.Tinitingnan ang posibilad na maoperahan pa si Irish.

At dahil marami ang kaso ng komplikasyon ni Irish sa kanyang pangangatawan, kinailangang matingnan pa ito ng espesyalista sa mata, EENT at maging child psychiatrist upang lubos na malaman ang maari pang gawin sa baka sakaling paggaling ng bata.

Nadurog ang puso ng mga netizens sa nakakahabag na kalagayan ni Irish ngunit ang karamihan sa kanila ay nais magpaabot ng kanilang tulong.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel