Xian Lim, may ibinulgar na ugali ni Kim Chiu at isiniwalat ang isang nakakawindang na nagawa nito sa isa sa kanilang biyahe

Xian Lim, may ibinulgar na ugali ni Kim Chiu at isiniwalat ang isang nakakawindang na nagawa nito sa isa sa kanilang biyahe

- Sa isang panayam ng entertainment press kay Xian Lim, may naibulgar ang aktor tungkol sa girlfriend nito na si Chinita Princess Kim Chiu

- Isiniwalat niya ang isang ugali ni Kim na dumating sa punto na nakagawa ito ng nakakawindang bagay umano isa isa sa kanilang biyahe

- Ani pa ni Xian, sobrang hyper daw ng PBB Otso co-host, na umabot sa punto na mabilis raw ito na natataranta

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umamin raw ang 29-year-old actor na si Xian Lim na sa maraming taon daw na magkarelasyon sila ng 28-year-old Kapamilya actress Kim Chiu ay "never" daw sila na nagsumbatan sa isa't isa.

Nalaman rin ng KAMI mula sa entertainment news media outlet na gamay na umano na nila ang pag-uugali sa isa't isa.

Ininterview si Xian ng mga entertainment reporters at isa na rito ay ang PEP, sa media conference umano ng kanyang pelikulang Hanggang Kailan na pinagtatambalan nila ni Louise delos Reyes.

Ang pagiging hilig niya sa traveling ay nakatulong umano ng malaki sa pagkakaiba sa diskarte kapag may probleam daw sila na kinakaharap.

Dito isiniwalat ni Xian na sobrang hyper daw si Kim.

"Si Kim kasi sobrang hyper. Alam naman natin, 'Hello, everybody!' Siyempre [on my part], 'Kim, pahinga naman tayo kahit konti.Siksik na siksik na yung travels natin. Enjoy-in lang natin sandali.'"

Sa huling bakasyon nila ni Kim Chiu sa New Year sa China, ibinunyag ni Xian Lim na dahil sa sobrang hyper ng girlfriend mabilis siyang mataranta.

Kwento pa ni Xian, nang dumating sila sa Harbin, China, apat daw ang na-book ni Kim na tourist guide.

Ani pa niya:

"Nataranta siya. 'Xi, Xi, anong gagawin ko, Xi?' Cancel, cancel, cancel. E, hindi pala na-cancel. Dumating sa hotel, apat na kotse. A, ok... Binayaran namin."

Pero never naman daw umabot sa sumbatan at swak naman raw ang kanilang relasyon dahil hyper si Kim at siya ay isang introvert.

At sa huli, inamin rin ni Xian na sobrang malambing raw si Kim.

Last year, opisyal na inamin ni Kim Chiu sa Tonight With Boy Abunda na matagal na silang may relasyon ni Xian Lim.

POPULAR: Read more news about Xian Lim here and Kim Chiu here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel