Doctor, sinasabing may cancer ang mga pasyente upang pagkakitaan lamang sila

Doctor, sinasabing may cancer ang mga pasyente upang pagkakitaan lamang sila

- Walang puso raw ang doktor na ito na di umano'y nagda-diagnose ng kanyang mga pasyente na may cancer ang mga ito

- Nagagawa lamang daw ito ng doktor upang pagkakitaan ang kanyang mga pasyente

- Kalaunan ay nagkakaroon nga ng karamdaman ang pasyente dahil sa mga ginagawang 'pagpapagaling' na di naman talaga kailangan ng kanilang dating malusog pang katawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang oncologist o espsyalista ng mga may cancer na nakilalang si Dr. Farid Fata ang walang habag na nagda-diagnose o nagsisintensya sa kanyang mga pasyente na mayroon daw di umano ang mga ito na cancer kahit wala naman talaga.

Ayon sa Healthy food house, ginagawa raw ito ni Dr. Fata upang pagkakitaan ang kanyang mga pasyente na may kakayanang magbayad ng mga 'treatment' sa kanya.

Limang taon na ang nakalipas nang maaresto ang doktor dahil sa pagbibigay ng mga gamot at iba pang procedure sa kanyang mga pasyente kahit wala naman talaga itong cancer.

“Dr. Fata did not care for patients; he exploited them as commodities. He over-treated, under-treated and outright lied to patients about whether they had cancer so that he could maximize his own profits," paliwanag ni US Attorney Barbara McQuade.

Ang chemotherapy na sinasagawa sa mga cancer patients ay ginagawa rin ni Dr. Fata sa kanyang pasyente na wala namang cancer.

Dahil dito nalalason lamang umano ang mga katawan ng kanyang malulusog pa sanang pasyente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa isa sa mga naging pasyente ni Dr. Fata, nagtiwala siya sa doktor sa takot na pumanaw agad. Kaya naman nagbigay agad siya ng full payment ng chemotherapy sessions niya. Nakapanlulumo lamang daw isipin na inabuso ng doktor ang tiwala ng mga pssyente niya upang kumita lamang.

“I gave full and total trust to this man to get me and my family through this journey I was about to begin. Dr. Fata took full advantage of my trust in him, my fear of dying and, most of all, my top of the line health insurance,” salaysay ni Chris Sneary, na nagpagamot kay Dr. Fata mula taong 2010 2013.

Ang nakakalungkot pa, isa sa mga pasyente ng akusadong doktor ay mas lalong lumala ang kalagayan nang kumonsulta sa kanya.

“None of the tumors were helped – they increased in number, they increased in size… I believe Dr. Fata knowingly and purposely treated me for the wrong cancer and gave me the wrong chemotherapy," salaysay ni Donald Crabtree isa sa mga naloko di umano ni Dr. Fata.

Lumalabas na guilty ang doktor at aminado ito sa lahat ng kapalpakan niyang ginawa lalo na ang pagsira ng tiwala sa kanya ng mga pasyente niyang umaasa pa namang gagaling sa kanyang tulong.

“I have violated the Hippocratic oath and violated the trust of my patients. I do not know how I can heal the wound. I do not know how to express the sorrow and the shame. They came to me seeking compassion and care. I failed them. My sins are many," pahayag ni Dr. Fata.

Mula Pebrero ng taong 2015 nakakulong na si Dr. Fata bilang pagsisilbi niya sa sintensyang 45 taon na pagkakabilanggo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel