Timbog! Mga donasyong para sana sa Yolanda victims, pinagkakakitaan umano

Timbog! Mga donasyong para sana sa Yolanda victims, pinagkakakitaan umano

-Huli sa akto ang isang kompanya sa Guiguinto, Bulacan na nagbebenta umano ng mga donasyon para sa mga Yolanda victims

-Ito ay base sa intelligence report na nakuha ng NBI

-Mariin naman itong itinanggi ng nahuling may-ari ng kompanya at sinabing ido-donate daw talaga nila ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Timbog ang may-ari ng kompanyang Eco Auction sa isang entrapment operation sa Guiguinto, Bulacan.

Kinilala itong si Francis Lesaca.

Ayon sa intelligence report na nakuha ng NBI, nagbebenta umano ang kompanya ng mga gamit na galing sa customs kabilang ang sana ay donasyon para sa mga Yolanda victims.

At nang mahuli sa akto na isasakay na ang mga kontrabando, sumalakay na ang NBI at tauhan ng Customs.

Tumambad sa kanila ang mga gamit na gagawin sanang ukay-ukay kabilang na ang mga gamit na donasyon para sa mga Yolanda victims base na rin sa mga markings ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ulat ng GMA News, ibebenta daw sana ang mga nakuha ng NBI at Customs sa isang NBI undercover agent.

Mariin naman itong itinanggi ni Lesaca at sinabing ido-donate daw talaga ang mga ito.

Ang kompanyang ito ay accredited ng Bureau of Customs. Nangako ang ahensya na iimbestigahan kung sino sa kanilang mga tauhan ang contact ng kompanya.

Ayon kay Special Agent Kristine Dela Cruz ng NBI Special Action Unit, nakakalungkot daw isipin na ang mga nakumpiska sa kompanya ay dapat sanang nakatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ngunit sa halip ay pinagkakitaan pa.

Matatandaang nanalasa ang ang super bagyong Yolanda sa Pilipinas noong November 2013. At dumagsa ang tulong mula sa iba't-ibang bansa para sa mga nasalanta nito!

Ito ay may international name na Haiyan na naitalang isa sa pinaka-malakas na bagyo sa buong mundo.

Bukod sa mga ukay-ukay, nagbebenta rin ng mga gamit na gulong ang kompanya na posibleng makasama sa taong-bayan!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kamag-anak ni Mayor, nang-bully sa mag-asawang kasama ang maliit na anak

Kamag-anak ni Mayor, nang-bully sa mag-asawang kasama ang maliit na anak

Kamag-anak ni Mayor, nang-bully sa mag-asawang kasama ang maliit na anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel