Lalaki nabundol na naipit pa sa 2 sasakyan! Driver ng 1 sasakyan, nakatulog pala

Lalaki nabundol na naipit pa sa 2 sasakyan! Driver ng 1 sasakyan, nakatulog pala

-Sa kuha ng CCTV sa San Mateo sa Rizal, kitang-kita kung paanong nabundol na ay naipit pa ang isang lalaki ng 2 sasakyan

-Dead on arrival ang biktima na tumama ang ulo sa semento

-Ang driver na nakabunggo rito at sa isa pang sasakyan, inaming nakatulog siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaking wala pang pagkakakilanlan ang patay matapos itong mabundol at maipit pa ng dalawang sasakyan sa San Mateo, Rizal.

Sinubukan pa itong i-revive ngunit idineklarang dead on arrival na.

Sa ulat ng GMA News, inilabas ang isang CCTV footage kung saan kitang-kita kung paanong patawid ang biktima at hindi napansin ang sasakyang mabilis ang andar.

Ang insidente naganap sa isang intersection sa nasabing lugar.

Pagkatapos na mabundol ang lalaki naipit pa ito sa pagitan ng nakabundol na sasakyan at sa isang SUV na nabunggo rin ng unang sasakyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa panayam ng GMA News sa isa sa pasahero ng SUV na tumaob pa sa lakas ng pagkakabangga, sinabi nitong mabilis umano ang andar ng sasakyang nakabunngo sa kanila.

Ang driver naman ng sasakyang nakabunggo na kinilalang si Roland Cruz, aminadong inantok at nakatulog!

Agad namang ginamot ang mga sugatang pasahero at driver ng tumaob na SUV na nakipag-ayos naman daw kay Cruz.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang nakatulog na driver habang hinihintay pa kaanak ng biktima at para masampahan na ng karamptanag kaso.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ng biktima.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel