Matandang tindera ng sigarilyo, naloko ng nagbayad ng ₱20 na pinagmukha nitong ₱50

Matandang tindera ng sigarilyo, naloko ng nagbayad ng ₱20 na pinagmukha nitong ₱50

- Isang netizen ang nagmalasakit sa matandang tindera ng sigarilyo dahil sa naloko umano ito

- ₱20 lamang ang tunay na halaga ng pera ngunit pinalitan ang 2 nito ng 5 upang magmukhang ₱50

- Binahagi ng netizen ang larawan ng pera nang sa gayon ay malaman ng madla na may ganitong panloloko na nagagawa lalo na sa walang kalaban labang mga matanda na naghahanapbuhay pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nagmalasakit na netizen ang nagbahagi ng karanasan ng isang may edad ng tindera na nabilhan niya ng yosi.

Ayon sa Yahoo news, isang babae na may kasama pang bata umano ang nagbayad ng perang ito.

Biscuit daw ang binili ng mag-ina at di napansin ito ng tindera agad agad hanggang sa nakaalis na ang mag-ina. Nagawa pa raw nitong suklian ang babae sa pag-aakalang sobra ang pera nito.

Masama ang loob ng netizen na si Khen Gaa na siyang nagpost ng karanasan na ito ng matanda. Di na raw kasi ito naawa sa lola na ang kinabubuhay na nga ay ang pagtitinda ng yosi at kendi ngunit nagawa pa itong lokohin.

Gayundin ang naging saloobin ng ilang netizens na nakabasa ng post ni Khen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Makakarma din ung gumawa nyan"
"Grabeee ang kapal ng mukha!"
"Grabe naman ang bait bait ni nanay ginaganyan nila"
"Walang patawad sa matanda di na naawa. Barya na nga lang kita nyan e"
"Di naawa sa matanda napakawalang puso kung sino ka man na ng loko kay nanay naway karmahin ka. Kawalang gaba mo ansama mo parusahan ka nawa ng diyos"
"Street vendor lang din ako, same kami ng natanggap. Maliit na barya na lang, naglalamangan pa. Nangyari na din sakin 'to, sinamantala ako sa kasagsagan ng dami ng tao at ito yung pinaka nakakasamang loob na mangyari eh. Tanginangyan pumarehas kana nga, lalamangan ka pa ng mga nakapaligid sa'yo. Tanginangyan magtsetsempuhan din tayo."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel