Ang bilis! Netizens, nabahala sa garapalang paghablot ng cellphone sa jeep

Ang bilis! Netizens, nabahala sa garapalang paghablot ng cellphone sa jeep

- Huli sa isang video na kung gaano kabilis nahablot ng isang lalaki ang cellphone ng nakasakay sa jeep

- Kalmado at walang halong kaba ang kaswal na pagkuha ng cellphone ng lalaking nakatiyempo lamang habang nakahinto ang jeep

- Di na nahabol ang suspek na kalmado ring nakalakad papalayo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng kaswal na pagdukot ng isang lalaki ng cellphone ng pasahero ng isang jeep.

Sa video na binahagi ni Manila Bulletin, makikitang naglalakad ang lalaki nang biglang huminto ang jeep sabay dukot ng lalaki sa cellphone ng pasahero sasakyan.

Napatili ang sakay ng sasakyang may dashcam na siyang nakakuha ng video dahil sa napakabilis ng pangyayari.

Ni hindi manlang tumakbo ang lalaki na siningit lamang cellphone sa kanyang shorts sabay lakad papalayo na parang walang nangyari.

Mapapansin ding maliwanag pa nang maganap ito sa may ASEANA Pasay city.

Labis na nabahala maging ang mga netizens na nakakita ng video. Nararapat lamang na doblehin ang pag-iingat ng mga pasahero at hangga't maari ay huwag na lamang munang maglabas ng cellphone lalo na kung nasa jeepney lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana may law na pwedeng barilin ng kht na sino g civilian kapag ganyan. May video evidence naman."
"Pg dito yan sa Davao, Babalatan yan Ng buhay, Wala kang makikita snatcher didto kasi naubos na"
"And that is why I do not take out my phone in a jeepney or the streets or sidewalks"
"Ang bilis ng kamay. Huwag mag celfone malapit sa bintana ng jeep. Sa Cubao maraming ganyan. Tinetyempuhan nila pag trapik o pag tumigil sa may stoplight. Kya ingat lang."
"Grabe parang walang nangyari, ni hindi manlang siay tumakbo naglakad lang papalayo. Expert na si kuya."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel