47-anyos, inireklamo kay Tulfo 22-anyos na ex-GF na tumangay daw sa P900 alahas niya

47-anyos, inireklamo kay Tulfo 22-anyos na ex-GF na tumangay daw sa P900 alahas niya

-Tila hindi makapaniwala si Raffy Tulfo sa reklamo ng isang 47-anyos na lalaki kaugnay sa kanyang dating nobya

-Reklamo nito, tinangay ng kanyang 22-anyos na ex ang kanyang mga alahas na nagkakahalaga ng P900

-Depensa ni ex, 'di niya ito tinangay at agad namang ibinalik sa lalaking nagrereklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa episode ng Wanted sa Radyo ngayong Hiwebes, dumulog sa programa ang 47-anyos na si Dennis Hilario para ireklamo ang kanyang dating nobya.

Reklamo nito, tinangay daw ni Marjorie De Guia, 22-anyos ang kanyang mga silver na alahas na nagkakahalaga ng P900.

Tila hindi naman makapaniwala si Raffy Tulfo sa reklamo ni Hilario. Ngunit giit nito, mahalaga ito dahil para sa kanyang anak ang mga alahas na tinangay umano ni De Guia.

Depensa naman ng dalaga, ibinigay ito sa kanya ni Hilario noong kaarawan niya na itinanggi naman ng lalaki.

Ganunpaman, ibinalik naman ng alaha ang mga alahas kay Hilario.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naungkat rin ang mga nakaraang alitan ng dalawa, katulad ng pananakit at pagbabanta ni Hilario at ng pamilya nito sa dalaga na itinanggi naman ng una.

Ineskandalo rin umano ng asawa ni Hilario si De Guia kahit pa nga ang alam niya ay hiwalay na ang dalawa. Kaya naman lakas-loob na umano siyang nakipaghiwalay sa lalaki kahit pa may pagbabanta sa kanyang buhay.

Mariin itong itinaggi ni Hilario.

Kasama ni De Guia ang bago niyang nobyo na si Othelo Florentes, 38-anyos na humarap din sa programa at inakusahang nanggugulo si Hilario sa kanila.

Sa huli nagkasundo naman ang dalawa na hindi na guguluhin pa ang bawat isa lalo pa at nakuha na ng nagrereklamong si Hilario ang kanyang mga alahas.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel