Sanggol na nakalabas mag-isa sa bahay, di na nakabalik at natagpuang wala nang buhay

Sanggol na nakalabas mag-isa sa bahay, di na nakabalik at natagpuang wala nang buhay

- Isang dalawang taong gulang na bata ang nakalabas ng kanilang bahay at di na muling nakabalik nang di namamalayan ng mga kasama niya

- Taglamig pa naman sa Newport New Hampshire kaya ayon sa imbestigasyon ay namatay ang sanggol sa tindi ng lamig

- Di makapaniwala ang pamilya ng sanggol na si Sofia Van Schoick na ganito ang sinapit ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binawian ng buhay ang isang dalawang taong gulang na sanggol matapos na ito ay makalabas ng bahay at di na muling makabalik pa.

Ayon sa Yahoo news, nakalabas nang di nalalaman ng mga bantay ng batang si Sofia Van Schoick. At dahil sa may snow sa kanilang lugar sa ganitong panahon, pinaniniwalaang namatay sa lamig ang sanggol nang di na ito makabalik sa kanilang bahay.

Nilarawan ng kapitbahay si Sofia na tila isang manika na nakadapa sa may hagdan paakyat ng kanilang bahay.

Nalaman na lamang nilang si Sofia ito nang makitang nag-histerya na ang babaeng dumampot sa kanya.

Itinawag pa sa 911 ang naganap sa sanggol, ngunit wala na talaga itong buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay James Burroughs, ang Police chief ng Newport, New Hampshire, na ang matinding lamig ang dahilan ng pagkamatay ng sanggol.

Samantala, di makapaniwala ang lolo ng sanggol na si Lindsay Van Schoick sa nangyari. Naniniwala siyang aksidente ang nangyari.

Aminado rin ang lolo na di pa nila nalalagyan manlang ng deadbolt o matibay na kandado ang pinto ng bahay na madali pa lamang mabuksan. Halos kakalipat pa lamang kasi nila roon.

Base sa imbestigasyon, marahil ay di na kinaya pang makaakyat ng sanggol pabalik sa pinto manlang ng bahay dala ng lamig.

Tumugma naman ito sa salaysay ng kapitbahay na tila may naririnig silang iyak ng bata bandang 4:00 ng madaling araw ngunit nang ito'y kanilang silipin, wala naman silang nakita.

Kwento pa ng isa pang kapitbahay ng pamilya ng sanggol, mukha namang maayos at disente ang mga Van Schoick at di sila makapaniwala na ganito ang sasapitin ng isa sa miyembro ng nabanggit na pamilya.

Pinaalalahanan parin ang mga magulang na doblehin ang pagbabantay sa mga anak upang maiwasan ang mga ganitong trahedya na gugulat na lamang sa pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pulis, nag-iwan ng nasa ₱5,200 na tip sa buntis na waitress

Pulis, nagmalasakit mag-iwan ng nasa ₱5,200 bilang tip

Pulis, nag-iwan ng nasa ₱5,200 na tip sa buntis na waitress
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel