Iza Calzado, may gustong klaruhin tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina

Iza Calzado, may gustong klaruhin tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina

- Tumawag daw ang newlywed na si Iza Calzado sa isang news media outlet dahil gusto niyang klaruhin ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina

- Naibalita umano noong una sa naturang outlet na sa kanilang entertainment section ang dahilan ng paglisan ng pinakamamahal na ina ng Ngayon at Kailanman actress

- Idiniin ni Mrs. Wintle na hindi raw cancer ang totoong rason kung bakit pumanaw ang kanyang mommy

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na nasagap ng KAMI may klinaro ang newlywed Kapamilya actress Iza Calzado-Wintle tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina na si Mary Ann Ussher.

Hindi daw cancer, ayon umano sa naunang balita ng entertainment.inquirer.net.

Saad pa ng naturang news media outlet, tumawag daw sa Inquirer Entertainment noong Miyerkules, January 16, 2019, ang Ngayong at Kailanman actress para iwasto ang impormasyon sa isa sa kanilang artikulo tungkol sa kasal niya kay Ben Wintle.

Sa naturang artikulo daw, sinulat nila doon na ang parehong mga magulang ni Iza ay pumanaw dahil sa sakit na kanser.

Ani pa ni Mrs. Wintle:

“I just don’t want people thinking I’m misinforming them."

Ipinahayag daw ni Iza na pumanaw nga raw ang kanyang ina noong 2001 pero hindi dahil sa cancer.

Dugtong pa umano ng aktres na hindi daw niya napag-usapan ang tungkol sa paglisan ng kanyang ina pero siguro ito na umano ang tamang taon na pag-usapan ito.

Subalit, sasabihin daw niya pagready na siya.

“I have never really talked about my mom’s death, maybe this will be the year for it. Let me be the one to talk about it when I’m ready.”

Si Iza Calzado ang gumaganap na Rebecca Marquez-Young sa Kapamilya teleserye Ngayon at Kailanman.

Unang sumikat ng husto si Iza sa kanyang papel bilang si Sang'gre o Reyna Amihan ng Encantadia ng GMA-7.

POPULAR: Read more news about Iza Calzado here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel