Lalaking labis na nakainom, binigyan pa ng 15 cans ng beer upang maisalba ang kanyang buhay

Lalaking labis na nakainom, binigyan pa ng 15 cans ng beer upang maisalba ang kanyang buhay

- Nag-agaw buhay ang isang lalaki dahil sa sobrang pag-inom niya ng alak

- Upang maisalba ang kanyang nanganganib na buhay, binigyan muli ito ng mga doktor ng 15 cans pa ng beer

- Bagaman at delikado rin ang ginawang procedure na ito ngunit ang mahalaga ay nadugtungan pa ang buhay ng lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaki sa Vietnam ang nawlan ng malay sa labis na pag-inom ng alak. Ang nakpagtataka rito alak din ang naisip ng doktor upang maisalba ang nanganig niyang buhay.

Ayon sa ulat ng LADbible, tila nalason ang katawan ng lalaki sa labis na nalak na nainom nito dahilan upang mawalan siya ng ulirat.

Naisipan ng mga doktor na pasakan ng 5 litro ng beer ang lalaki diretso sa kanyang bituka. Ito ay upang maiwasan ng kanyang atay na magproseso na labis na methanol mula sa kanyang nainom.

Lumalabas kasi na tila mataas ng 1,119 na beses kaysa sa normal na level nito ang methanol na nasa dugo ng lalaking nakilalang si Nguyen Van Nhat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isinagawa ito ng nga mga doktor upang matulungang magsagawa ng dialysis ang mga ito bago pa tuluyang maging formaldehyde ang methanol o maging formic acid na nakuha sa una nitong mga nainom. Nagsilbing alcohol ang beer na pinasak diretso sa bituka ni Nhat at talagang di pangkaraniwan ang maging pakinabang nito sa pagsasalba ng kanyang buhay.

"The therapy with 15 cans of beer is rather unusual, but well understood. May be the Vietnamese colleagues had no other alcohol on hand. Much more important (than the kind of alcohol used) is that the therapy is immediately initiated," ayon sa Head of the hospital's intensive care unit, Dr. Le Van Lam.

Ngunit mariing pinaalalahanan pa rin ng mga doktor na ang labis na pag-inom ng alak ay nakasasama talaga sa kalusugan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel