Angelica Panganiban, humiling na suportahan sya sa pagmomove-on

Angelica Panganiban, humiling na suportahan sya sa pagmomove-on

- Isang tweet na naman ni Playhouse actress Angelica Panganiban ang pinag-uusapan ngayon sa social media

- Ang naturang tweet ay tungkol sa paghiling ni Angge sa kanyang mga fans, followers, at supporters na suportahan sya sa pagmomove-on

- Unang lumabas ang naturang tweet bago pa man lumabas at kumalat sa social media ang mga larawan ni Carlo Aquino kasama ng diumano'y modelo na si Trina Candaza

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mukhang agaw-pansin kamakailan lang ang mga tweet ng Playhouse actress na si Angelica Panganiban, at isa sa mga latest post niya ay ang pinag-uusapang tweet ngayon tungkol sa moving-on.

Sa naispatan ng KAMI, saad ni Angelica Panganiban, na pag natapos na raw ang Kapamilya TV series niyang Playhouse kung saan kasama niya rin dito si Carlo Aquino ay humiling siya sa kanyang mga followers na suportahan siya sa pagmomove-on umano.

Ani pa ni Angge:

"Kapag natapos na ang playhouse. Pwede bang suportahan niyo ko sa pag mmove on?"

Naparelate ang mga netizens kay Carlo Aquino, nang sinambit din ni Angelica sa katapusan ng kanyang tweet ang tungkol sa kanyang relationship status.

Dugtong pa niya:

"Sa tatlong naka relasyon ko, sure akong dito ko matatagalan maka move on."

Bumuhos naman ang suporta mula sa kanyang mga Twitter followers.

"ate, bakit pa siya nasa PH? Pwede naman mawala na siya dyan huhu ang bad pero hirap naman niyan. Pero professional naman kayo. God bless, ate. Life goes on. Nagawa mo 12 years ago. Kaya mo din ngayon."
"yung kilig na kilig ako last year nung nalaman kong he'll join PH. now? i wish sana umalis na siya. di ko na kaya makita face niya on tv and anywhere "
"Let's move on altogether, love! "
"Kelan ba 'to matatapos? Madaliin na! Para thank you, next! "

Pero ang ibang netizen, sambit ang tinutukoy umano ni Angelica sa tweet ay ang tungkol sa Playhouse at hindi daw ito tungkol sa aktor.

"Personally..as i understand sa post ni Ms.A...dhl sobra naging masaya sya at napamahal cast ng playhouse...kpg natapos na eto .matagal sya makamoveon kc sobra napamaha sya sa mga cast."

Hiling naman ng ibang fans na huwag naman daw husgahan si Carlo.

Kahapon, ibinahagi namin ang balita na naispatan namin tungkol sa mga kuhang larawan ni Carlo Aquino kasama ang isang modelo umano na nagngangalang Trina Candaza.

Bago pa man nito, una ng sinabi ni Angelica na lalayuan na niya umano si Carlo, ayon na rin sa kanyang reply sa isang komento ng fan.

First spotted namin ang latest tweet ni Angelica sa entertainment.inquirer.net.

Narito ang pinag-uusapang tweet ni Angelica Panganiban tungkol sa pagmomove-on.

Si Angelica Panganiban ay muling nagbalik tambalan sa ex-boyfriend na si Carlo Aquino sa Exes Baggage, kung saan nabuo ang CarGel loveteam.

Pumasok naman daw ang huli sa pinagbibidahang Kapamilya TV series ng aktres last year.

POPULAR: Read more news about Angelica Panganiban here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel