Nobya ng Razorback drummer na pumanaw, may matinding pakiusap sa lahat ng kakilala

Nobya ng Razorback drummer na pumanaw, may matinding pakiusap sa lahat ng kakilala

- Nagpost ang kasintahan ng Razorback drummer na si Portia Carlos ng kanyang pakiusap ukol sa pagkamatay ng kanyang nobyo

- Mariing pinakiusapan niya lalo na ang mga kakilala na kung maari huwag nang ipakita ang video o maging screenshot ng nagawang FB live streaming ni Brian bago ito nagpatiwakal

- Ayon sa kanya, di pa ito ang tamang panahon upang makita niya ang ganoong bagay lalo at hindi pa siya handa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang araw mula ng tuluyang mamaalam sa mundo ang Razorback drummer na si Brian Velasco, nagpost ng pakiusapa ng kanyang kasintahan na si Portia Carlos.

Ayon sa post, mariing pinakiusapan ni Portia lalo ang kanilang mga kakilala na huwag na munang banggitin ang anumang bagay patungkol sa paano nawala ang kanyang minamahal.

Sana rin daw ay huwag nang ipadala, ipakita o i-tag sa kanya ang mga screenshot o larawan ng nobyo lalo na ang video na kuha nito bago siya mamatay.

Naiintindihan din ni Portia na di lang siya ang nagdadalamhati sa nagawa ni Brian sa sarili nitong buhay ngunit mas mainam daw na sa ibang tao na lamang ito sabihin at huwag na sa kanya.

Binigyang diin din niya ang pakiusap sa mga pupunta sa lamay na huwag na huwag nang pag-usapan ang anumang detalye sa kung paano pumanaw si Brian.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umugong ang balita ng pagkawala ng drummer ng bandang Razorback, Miyerkules, Enero 16. Ito ay matapos kumalat pansumandali ang live streaming sa Facebook ni Brian ng kanyang pagpapatiwakal.

Labis ang pighati na nadama ng mga kabanda na kinumpirma ang pagkawala ng kanilang kasama sa Facebook.

Maging ang mga fans ay labis na nanghinayang sa biglaang pagkawala ng kanilang idolo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Seaman na nahulog sa barko, himalang nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel