Narindi na! Ogie Diaz, sinabihan si Kris Aquino na maaring sa stress sa kaaway ito mamatay

Narindi na! Ogie Diaz, sinabihan si Kris Aquino na maaring sa stress sa kaaway ito mamatay

- Sa pamamagitan ng isang Facebook post, sinabihan ni Ogie Diaz si Kris Aquino na tumigil muna sa kagagamit ng social media upang makaiwas sa stress

- Ayon kay Ogie, ang stress ang papatay kay Kris at hindi ang mga sakit nito dahil panay ang sagot niya sa mga akusasyon ng magkapatid na Falcis

- Nami-miss rin umano ni Ogie ang mga positibong post ng Queen of All Media kabilang na ang mga update sa buhay ng dalawang anak nito

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Sinabihan ni Ogie Diaz si Kris Aquino na lumayo muna sa social media upang makaiwas na rin sa stress na hatid nito sa Queen of All Media. Ayon kay Ogie, baka raw ang stress pa ang maging sanhi ng pagkamatay ng aktres at hindi ang auto-immune disease nito.

Spotted ng KAMI ang isang mahabang Facebook post ni Ogie na pinakikiusapan si Kris na magpagaling muna bago makipagpalitan ng patutsada sa mga kaaway nitong sina Nicko at Jesus Falcis. Ito ay para na rin daw matupad ang dasal ni Kris na abutan pa ang 18th birthday ng anak na si Bimby.

Dagdag pa ni Ogie, tutal ay nakapagsampa naman na raw si Kris ng kaso sa korte, ay hayaan na lang umusad ang kaso at makamit nito ang hustisyang hinihingi. Nauumay na rin daw si Ogie at ilan pang mga netizen sa sagutan ng magkabilang kampo sa Facebook at Instagram.

”Useless ang ginagawa mong pagpapa-check up at pagpapaospital sa Singapore kung hinihigop naman ng stress sa mga isyu ang lakas mo.

Di bale sana kung gagaling ka agad sa mga pagsagot-sagot mo sa mga isyu. Pwera na lang talaga kung masokista ka at nag-e-enjoy kang ini-stress ang sarili mo.”

Sinabi rin ni Ogie sa kaniyang post na nami-miss niya at ng mga followers ng aktres ang mga cute na updates niya tungkol sa mga anak na sina Bimby at Josh bago pa man pumutok ang isyu sa kalusugan ni Kris at ang iskandalo ng nawawalang pera umano ng kompanya niya.

“Ibahin naman natin. Yung cute lang. Na nami-miss ng marami sa mga updates na ginagawa mo sa social media accounts mo.

Kunwari, ibinalita mo na pinadoktor mo si Bimby dahil nakagat ng tatlong langgam na pula. O kaya si Bimby, nadapa, nagkagalos sa tuhod, kaya nilagyan mo ng betadine. Or sinamahan mo sa kanyang dental appointment si Bimby, dahil pinabunutan mo ng wisdom tooth, kaya di mo muna iniwan. Or si Kuya Josh, nag-38 ang lagnat, kaya ipinatawag mo uli ang favorite family doctor nyo.”

Tinapos ni Ogie ang kaniyang post para kay Kris na isang pakiusap na sana making na ang Queen of All Media. Pinuri din nito ang pagiging dakilang in ani Kris dahil big deal raw sa aktres ang maliliit na pangyayari sa buhay ng kaniyang mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basic apps to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang nitong linggo, sunod-sunod ang naging palitan ng patutsada nina Kris at nang magkapatid na Falcis. Noong January 15, nag-IG Live pa ang aktres para sagutin ang mga akusasyon sa kaniya nina Falcis. Inupload rin ang nasabing live video ni Kris sa YouTube channel nilang The Aquinos.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, naging viral ang Facebook post ni Ogie Diaz na tinawag niyang “Mama Ogs Answers” dahil sa mga rebelasyon ng aktor dito.

Si Ogie Diaz ay isang komedyante, host, at talent manager. Napapanood siya sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home, at napakikinggan rin sa DZMM program na OMJ kasama si MJ Felipe. Siya rin ang manager ni Liza Soberano.

POPULAR: Read more about Ogie Diaz!

Enjoyed reading our story? Download KAMI’s news app on Google Play now and stay-up-to-date with major Filipino news!

This video will measure the willingness of some Filipinos to help. Are they really basing their will to lend hand based on how people look? Find out in this experiment video! Check out our videos– on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel