"Ibalik mo baby ko!" Panawagan ng OFW sa kanyang ex-BF

"Ibalik mo baby ko!" Panawagan ng OFW sa kanyang ex-BF

-Humingi ng tulong ang OFW na si Cecil Abon kay Raffy Tulfo kaugnay sa kanyang anak na hindi pa umano ibinabalik ng kanyang dating kinakasama

-Ayon sa reklamo ni Abon, ilang beses na daw inangako ang kanyang ex na isosoli ang kanilang anak ngunit hanggang makauwi siya ay 'di pa ito ibinabalik

-Nangako naman si Tulfo na tutulungan ng programa na makuha ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog ang overseas Filipino worker (OFW) na si Cecil Abon sa programang Aksyon para humingi ng tulong kaugnay sa kanyang anak.

Reklamo ni Abon, hindi na raw ibinalik ng dati niyang kinakasama na si Jeryle Llausas ang kanilang anak na hiniram umano nito sa kanya.

Nasa pangangalaga ng ina ni Abon ang bata habang siya ay nagta-trabaho sa Kuwait.

Ipinagpaalam umano ni Llausas na hihiramni sandali ang bata na pinayagan naman ni Abon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit lumipas na raw ang ilang buwan ay hindi pa rin ibinabalik ng lalaki ang anak sa kanyang ina.

Naka-ilang pangako na umano ito na ibabalik sa kanila ngunit 'di natupad. Ang huli umanong pangako nito ay kapag umuwi na siya.

Ngunit nakauwi na siya ay hindi pa rin daw ibinalik ang bata.

Nang makausap naman nito at ni Raffy Tulfo si Llausas ay nagkasundo naman sila na kukunin na ng ina ang bata sa tulong ng programa.

Humingi rin ng tulong si Tulfo mula sa Women and Children's Protection Department at MSWD sa Misamis Oriental kung nasaan ang bata ang inirereklamong si Llausas.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel