Grade 11 student na binugbog dahil lamang sa selos, agaw buhay na sa ospital

Grade 11 student na binugbog dahil lamang sa selos, agaw buhay na sa ospital

- Comatose ang isang Grade 11 student matapos itong pagtulungang bugbugin

- 'Selos' ang nakikita umanong dahilan sa pagbugbog sa 19 taong gulang na lalaki dahil sa may gusto ang girlfriend ng isa sa mga suspek sa biktima

- Sumuko na sa pulisya ang dalawang suspek ngunit di ito nagpaunlak ng panayam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilarawan na tila ginawang punching bag ng mga nakatatandang eskwela si Kenneth Langit sa Mangaldan, Pangasinan.

Ayon sa GMA news, papalabas ng canteen si Kenneth ng abangan ito ni George Maramba at bigla na lamang itong sinuntok ang biktima.

Nakaganti ng suntok si Kenneth ngunit dumating ang iba pang tropa ni George na sina Jason Soriano at Jay-ar Biagtan at napagtulungan na siya.

Walang laban na halos si Kenneth sa mga Grade 12 students na 21 pataas na ang mga edad.

Sa tindi ng pagkakabugbog kay Kenneth, napaihi pa ito sa salwal bago tuluyang nawalan ng malay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ito rin marahil ang dahilan ng pag-aagaw buhay ng biktima at ngayon ay comatose na.

Sinasabing selos ang anggulo ng pambubugbog nina George kay Kenneth dahil sa may gusto sa biktima ang girlfriend ng isa sa mga suspek.

Base sa isinagawang imbestigasyon, dati nang nagkaroon ng sigalot sa pagitan nina Kenneth at George.

Tila nakonsensya at kusa nang sumuko sa pulisya sina Jason at George habang si Jay-ar ay nadakip sa isinagawang manhunt operation at tinatanggi pa nitong sangkot siya sa pambubugbog.

Inaalam ang maaring kasong haharapin ng tatlo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Seaman na nahulog sa barko, himalang nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Seaman na nahulog sa barko, himalang nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel