Driver, huminto at sinita ang pasaherong nagtapon ng basura sa labas ng bus

Driver, huminto at sinita ang pasaherong nagtapon ng basura sa labas ng bus

- Viral ang post ng isang pasahero na nagbahagi sa ginawa ng driver ng ng bus na kanyang sinayan

- Nag-minor pa talaga sa pagmamaneho ang tsuper upang sitahin ang pasahero niyang nagtapon ng basura sa labas ng bus

- Ayon sa driver, mas mainam pa raw na itapon ang basura sa loob ng bus na may naglilinis kay sa labas na wala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang bus driver ang nagpakita ng pagmamalasakit sa kalikasan nang sitahin nito ang mga pasahero niyang nagtapon ng basura sa bintana ng sinasakyan na bus.

Ayon sa Yahoo news, binahagi ng isa sa mga naging pasahero ng driver na si Nestor Picazo ang nasaksihang karanasan.

Nag-menor pa raw umano si Nestor sa pagmamaneho upang pagsabihan ang dalawang pasahero na nagtapon ang basura sa labas ng bus.

Hayagang sinita ni Nestor ang mga natapon ng basura at sinabing mas mainam pang itapon ang basura nila sa loob ng bus na mayroong naglilinis, kaysa sa labas na wala.

Dahil dito, namangha ang netizen na si Theresa Calicdan sa ginawa ng driver kaya naisipan niya itong i-post sa social media.

Ayon sa panayam ng Coconuts kay Nestor, sinabi niyang nakita niya sa kanyang side mirror ang pagtatapon ng pasahero.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gusto nga niya sana na siya mismo ang pumulot at magtapon ng basura ngunit siya ay nagmamaneho ng may kabilisan pa.

2005 nang magsimulang magmaneho si Nestor. At mula noon talagang pinaaalalahanan niya ang kanyang nagiging mga pasahero na huwag magtapon ng basura kung saan lamang at maari naman nilang pakiusapan ang konduktor na siyang magtapon ng basura.

Tunay na nakamamangha ang ginawa na ito ni Nestor sa pagmamalasakit sa kalikasan. Maging ang mga netizens ay saludo sa ginagawa na ito ng driver.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"One way to remind us the good value of discipline that is fading in this time."
"Kudos to driver. People need to be educated."
"Bravo sa driver. Yan ang maka kalikasan. Salute."
"I like it, sana dumami ang katulad ninyo sir. Sana ganun din dito sa Cordillera lalo na sa Halsema Highway, pakiusap sa gaya kung nagtratravel dito huwag ninyong itapon ang dumi ninyo sa kalsada may basuraan ang mga buses."
"Like it much...mamang driver love your earth and love to people...."
"Palakpakan natin ang driver ng Victory liner na environment lover. Mabuhay ka!"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel