Baby, ipinamigay ng ina kapalit P15K dahil wala daw itong tatay

Baby, ipinamigay ng ina kapalit P15K dahil wala daw itong tatay

- Isang dalagang ina at nanay niya ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action upang mabawi ang baby na ipinamigay niya

- Wala raw kasing ama ang bata kaya pinamigay nila ang sanggol nung nanganak siya.

- Isosoli ngayon nila yung 15K na ibinigay sa kanila para sa baby at ang iba pang nagastos nila sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Irrish Reyes at ang kanyang ina ay lumapit sa Raffy Tulfo in Action at humingi ng tulong upang mabawi ang anak na ipinamigay niya.

Nalaman ng KAMI na nagdesisyon si Irrish na ipaampon ang kanyang anak dahil wala itong tatay.

Sabi ni Irrish, nahihiya raw siya kasi nga ang panganay niyang anak, na wala ring tatay, ay sinusuportahan ng kanyang mga magulang.

Kaya naman sa pangalawa niyang anak, wala ring tatay, at dahil nahihiya din siya sa magulang, ipinaampon na lang niya kapalit ang halagang P15K.

Ayon naman sa nanay ni Irrish, "late development" daw si Irrish kaya siya ganun.

Ang masaklap, nang sabihin ng anak nila sa kanila ang planong pamimigay sa baby, di man lang nila tinutulan ito at hinayaan lang.

Sabi nga ni Tulfo, kahit "late development," dapat gabayan siya ng nanay niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Siyempre, binigyan ni Tulfo ng payo ang ina na namigay ng anak, at ang nanay na nangunsinte.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel