GF ni PO3 pinagdadamot daw anak nila! Pero PO3, tumatawad sa sustentong ibibigay

GF ni PO3 pinagdadamot daw anak nila! Pero PO3, tumatawad sa sustentong ibibigay

-Dumulog si PO3 Richard Emohammad sa programang Wanted sa Radyo upang ireklamo ang dating kinakasama niya

-Reklamo ni PO3, ipinagdadamot sa kanya ang kanilang anak at nagawa pa nitong makaipagrelasyon sa tatlong lalaki

-Depensa ni misis, si PO3 ang manloloko dahil ilang taon siyang pinaniwala na hiwalay na ito sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tropa daw ng dati niyang kinakasama ang mga tao sa bayan nito kaya naman sa programang Wanted sa Radyo dumulog si PO3 Richard Emohammad para ireklamo ang dati niyang kinakasama.

Kaya naman pinagharap ito ni Raffy Tulfo at ang inirereklamo nitong si Judith Fabillar.

Reklamo ni PO3, ipinagdadamot sa kanya ang kanilang 2 taong gulang na anak. Giit pa nito, nakatatlong lalaki na umano si Fabillar kaya napapabayaan na nito ang kanilang anak.

Depensa naman ni Fabillar hindi daw niya ipinagdadamot ang bata, si PO3 umano ang nagkulang at hindi umano tama ang ibinibigay na sustento.

Wala rin umanong basehan ang akusasyon nito sa panglalaki niya lalo pa at hiwalay na sila nito.

Reklamo pa ni Fabillar, ito umano ang mangloloko dahil ilang taon siyang pinaniwala na hiwalay na ito sa asawa.

Ngunit habang sila ay nasa relasyon pa, isa umanong buntis na babae ang sumugod sa kanya sa opisina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagtalo rin ang dalawa kaugnay ng sustento para sa kanilang anak. Giit ni Fabillar, kulang ang ibinibigay nito.

Depensa naman ni PO3, hindi siya nagkulang at tuloy-tuloy lamang ang kanyang pagbibigay para rito.

Itinanong naman ni Tulfo kung magkano ang hinihingi ni Fabillar para sa kanilang anak at sinabi nitong P8,000 lamang.

Ngunit tumatawad si PO3 at sinabing P5,000 lamang ang kanyang maibibigay bagay na 'di sinang-ayunan ni Fabillar maging ni Tulfo.

Ngunit sa huli, napagkasunduan ng magkabilang panig na idaan ito sa legal na paraan at sasangguni sa MSWD para malaman kung magkano talaga ang dapat na ibigay ni PO3 sa kanilang anak!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel