Netizens, hinangaan ang babaeng matapang na kinompronta ang naaktuhang snatcher

Netizens, hinangaan ang babaeng matapang na kinompronta ang naaktuhang snatcher

- Nag-viral ang maiksing video ng babaeng naaktuhang nagnanakaw ang isang snatcher sa backpack ng pasakay sa jeep na lalaki

- Buong tapang na sumigaw ang babae na ninanakawan ang lalaking naka-backpack

- Labis na humanga ang mga netizens sa nagawa ng babae dahil sa pagpapakita nito ng malasakit sa kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lakas loob na kinompronta ng isang babae ang isang babae ring snatcher na lantarang dumukot sa backpack ng isang lalaki.

Sa video na binahagi ng Inquirer.net makikita ang mga taong papasakay sa jeep. At dahil unahan at medyo siksikan, nakuhang mabuksan ng babaeng snatcher ang bag at lantarang sumukot dito.

Ayon pa sa post ng netizen na si April RasDas Mercado maririnig na sumigaw talaga ang babaeng nakakita ng "Kuya dinudukutan ka o!".

Di na naisakatuparan ng mandurukot ang masamang balak at ang tanging nahulog ay ballpen ng lalaki mula sa bag.

Naganap umano ang naudlot na pagnanakaw noong Enero 14 sa Dasmariñas, Cavite.

Samantala, labis na hingaan ng mga netizens ang ginawa na ito ng babae. Bibihira na raw kasi talaga ang mga kagaya nitong may malasakit pa sa kapwa lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"We need more people like her"
"Proud of you ate. You’ve shown what most of the Filipinos are lacking: Compassion"
"this girl has GUTS! bravo to you..."
"Yan na ang kulang sa ating mga pilipino ang mag malasakit pag may nakikitang maling Gawain Kaya malalakas na ang loob ng masasamang Tao"
"Ingat ka, ate, keep it safe"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel