Dalaga, binago ang buhay ng 77-anyos na ice cream vendor

Dalaga, binago ang buhay ng 77-anyos na ice cream vendor

-Isang 'di sinasadyang engkwentro ang siyang nagpabago sa buhay ng isang lolo na 44 taon nang nagtitinda ng ice cream sa Divisoria

-Sa isang maiksing pag-uusap, nabago ang buhay ng lolo na dumadaing na sa paghahanapbuhay

-Patunay lamang ito na marami pa rin sa atin ang kayang tumulong sa kapwa na walang hinihinging kapalit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamgitan ng social media, ibinahagi ng netizen na si Joanna Marie Armas Adviento ang kanayang karanasan na nagpabago sa buhay ng isang 77-anyos na ice cream vendor.

Sa isang article ng Pinoy, naitampok ang pagkakawang-gawa ni Adviento.

Ayon dito, nagsimula ang lahat nang minsang magpunta sa Divisoria ang dalaga kasama ang kanyang nobyo.

Doon na-spot-an niya ang isang lolo na isang ice cream vendor. 'Di niya sinasadyang marinig ang sinabi nito sa isang kasama rin nitong vendor.

"Hindi pa nga ako kumakain, kailangan ko na uminom ng gamot kaya lang wala pa akong benta."

Dalaga, binago ang buhay ng 77-anyos na ice cream vendor

Photo source: Elite Newsfeed
Source: Facebook

Dahil dito tila 'di napigilan ni Adviento ang lapitan ang matanda na nakilalang si Marciano Ricardo Junior.

Sa narinig, nagawa niyang bilihan ng kape at tinapay ang matanda para lang maipangtawid nito sa gutom at para na rin makainom ng gamot.

Sa kanilang maiksing pag-uusap, napag-alaman niyang apatnapu't apat na taon na itong nagtitinda ng ice cream.

Dalawa sa tatlo nitong anak ay pumanaw na at ang isa ay kasama nito at isang street sweeper.

Nang tanungin umano ito ni Adviento kung ano na lang ang hiling nito sa buhay, sinabi niton nais lamang nitong hindi na magpabalik-balik mula Malabong hanggang Divisoria at pabalik para lamang magtinda ng i9ce cream.

Gusto na lamang daw nitong magtinda ng fishball sa tapat ng kanilang bahay.

Sa kanyang mga mga nalaman, hindi doon natapos ang kanilang pag-uusap.

Dahil ang dalaga, humingi ng tulong mula sa kanyang mga kamag-anak para kay tatay Marciano.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At pagkatapos lamang ng ilang araw, binalikan nito ang matandang ice cream vendor sa Divisoria.

Sa pagkakataong iyon, ibinigay ni Adviento ang isang maliit na kalan, mga kawali at ilang kagamitan na magagamit ni tatay Marciano sa pagtitinda ng fishball.

Dalaga, binago ang buhay ng 77-anyos na ice cream vendor

Photo source: Elite Newsfeed
Source: Facebook

Kwento ng dalaga, nagkabuhol-buhol ang salita ng matanda sa pagpapasalamat sa kanila.

Naiyak pa umano ang dalaga dahil ramdam na ramdam nito ang kaligayahan ng matanda.

"Pagod na ho talaga ako magtinda ng ice cream. kaya maraming salamat sa inyo." sabi pa daw ni tatay Marciano.

At kahit na paalis na daw sila ay patuloy pa rin ang pagkaway ng masayang si tatay Marciano.

Mula sa KAMI, saludo kami sayo Joanna at sa mga taong tumulong sa'yo para makapag-abot ng tulong kay tatay Marciano!

Dalaga, binago ang buhay ng 77-anyos na ice cream vendor

Photo source: Elite Newsfeed
Source: Facebook

Source: Pinoy Updates, Elite Newsfeed

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Pinoy fans, di magkamayaw sa homecoming parade ni Miss Universe Catriona Gray
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel