Future action star! Aljur Abrenica, tinuruan mag-boxing si Alas

Future action star! Aljur Abrenica, tinuruan mag-boxing si Alas

-Ipinasilip ni Aljur Abrenica ang isa sa mga “bonding moment” nila ng anak na si Baby Alas

- Makikita sa IG story ng aktor ang pagsama ni Baby Alas sa gym at pagsubok nitong suntukin at sipain ang isang malaking punching bag

- Ang pagbo-boxing ay isa sa mga kinagigiliwang workout ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Tila nakahanap si Aljur Abrenica ng bagong kasama sa gym sa katauhan ng anak na si Baby Alas. Sa inupload na IG Story ni Aljur, ipinasilip nito ang munting boxing skills ng kaniyang anak na si Alas.

Makikita sa video ng aktor na ire-upload ng YouTube channel ng Showbiz Philippines ang pagtuturo ni Aljur sa anak na sipain at suntukin ang malaking punching bag sa gym kung saan nagwo-workout ang aktor. Enjoy na enjoy naman si Baby Alas at talagang sinusunod ang bawat utos ng ama na hatawin ang punching bag na mas malaki pa kay Alas. Bibong-bibo ang isang taong gulang na anak nina Aljur at ng Kapuso actress at anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla.

Nag-uumpisa nang mapansin ng netizens ang angking kabibuhan ni Baby Alas dahil sa madalas na pag-upload nina Aljur at Kylie ng mga video at larawan nito sa kanilang social media accounts. Kamakailan, inabangan ng netizens ang iba pang IG story ng anak ni Aljur, higit ang kakulitan ng bata sa bagong nitong gupit.

PAY ATTENTION: Using free basic apps to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kilala si Aljur sa pagiging maalaga sa katawan at sa hilig nito sa pagwo-workout. Kaya naman hindi na rin nakapagtatakang sa murang edad ay kinakikitaan na rin si Alas ng interes sa mga ganitong klaseng aktibidad. Maging si Kylie ay nahihilig na rin sa pagbo-boxing at madalas nilang ipakita sa Instagram ang kanilang workout sessions na magkasama.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, ipinakita ni Kylie kung paano siya tulungan ng asawang si Aljur sa mga gawaing bahay na ikinatuwa naman ng maraming netizens.

Si Aljur Abrenica ay ang itinanghal na Ultimate Hunk ng GMA reality show na StarStruck 4 bago lumipat sa ABS-CBN noong 2017. Nito lamang Disyembre, ikinasal siya sa Kapuso actress na si Kylie Padilla.

POPULAR: Read more news about Aljur Abrenica!

Enjoyed reading our story? Download KAMI’s news app on Google Play now and stay-up-to-date with major Filipino news!

This video will tickle your mind and ignite your critical thinking as the HumanMeter team test your logical thinking through the following Tricky Questions. Check out our videos– on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel