Ina ng Misis sa Maldives tragedy, binahagi ang pagiging mabuting anak nito

Ina ng Misis sa Maldives tragedy, binahagi ang pagiging mabuting anak nito

- Naikwento ng ina ni Erika Lagradilla ang misis sa mag-asawang nalunod sa Maldives na breadwinner pala nila ang anak

- Ito ang naasahan nilang nagbibigay ng suporta sa kanilang mag-asawa

- Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ng bagong kasal sa trahedya na sinapit ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magdiriwang pa naman ng kaarawan ang ina ni Erika Lagradilla ng ika-50 kaarawan niya ngunit masamang pangyayari naman ang kanilang kinahaharap ngayon.

Si Erika ang misis sa mag-asawang nalunod sa honeymoon nila sa Maldives na labis na ikinagulat ng kanilang pamilya.

Ayon sa ABS-CBN na siyang nakapanayam ng ng mga magulang ng bagong kasal, wala na ngayong ibang hiling si Gloria Callado, ang ina ni Erika kundi mahagkan ang anak.

Kuwento pa ni Gloria, mabuting anak si Erika dahil ito lamang daw ang nakatutulong at sumusuporta sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Ang anak kong si Erika, siya lang ang sumusuporta sa amin, siya lang ang bumubuhay sa amin," emosyonal na pahayag ng ina.

Lumipad patungong Singapore noong Disyembre 28 ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon at mula roon saka sila lumipad patungo naman sa Maldives.

Isa ang DFA sa handang tumulong sa pamilya at sinigurong maiuuwi ang mga labi nito. Sasagutin nila ang P1.2 milyon na maaring gastusin para rito.

Samantala, dadalhin na sa Sri Lanka ang mga labi nina Leomer at Erika upang dun embalsamuhin.

SriLankan Airlines ang inaasahang magdadala sa mga labi ng dalawa patungong Pilipinas.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel